Chapter 26

470 12 0
                                    

[A/N: Errors ahead!]

Chapter 26

Gayle Uchika Diaz

Napatitig naman ako sa repleksyon ko sa salamin. Ngayon na ako ipapakilala nina Tito sa mga kasapi nila sa Allejos. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. It's like I need their approval para sa pagiging heiress. Kahit naman umangal sila ay wala na rin namang magbabago.

Pero nakakakaba pa rin. I have never imagined in my entire life na mangyayari ito. Napatingin naman ako sa may pintuan nang bumakas ito. Sumilip naman doon sina Carlota at Nene. Parehas silang nakasuot ng kulay puti na parang mini dress.

"Ang cute nung suot niyo. May uniform kayo?", tanong ko sa kanila at tumango naman ang dalawa.

"Oo, si Carlota iyong nagd-design ng uniform naming mga tagapagsilbi dito sa Allejos. Ang dami niyang talent.", napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Nene.

"Hayst, small thing.", sambit ni Carlota kaya inabot ko naman iyong unan sa may kama saka binato sa kanya.

"Ang hambog mo talaga.", sabi ko sa kanya kaya natawa silang dalawa.

"Ganyan talaga kapag may ibubuga.", sagot nito sa akin saka ako nginitian ng pagkatamis-tamis.

"Nakainom ka, 'no? Nagmumukha kang timang eh.", sabi ko kaya napaismid naman ito habang si Nene ay napahalakhak.

"Whatever, mahal na prinsesa. Pinapatawag ka na nga pala sa baba. Oras na para sa koronasyon mo.", pang-aasar pa nito sa akin kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Sumulyap pa ako ng isa pang beses sa repleksyon ko sa salamin bago tuluyang tumungo sa may pinto. Nakasunod naman silang dalawa sa akin. Napataas naman ang kilay ko nang lumapit sa akin si Carlota.

"For sale pa rin iyong recipe ng cookies ko, 10 million fixed price ng lahat.", bulong nito sa akin kaya napailing ako.

"Bahala ka nga riyan.", sabi ko saka nagpatiunang naglakad pababa. Napahinga naman ako ng malalim nang makita ko na sina Tito Sergei sa baba. May mga kasa-kasama na itong gwardya at kinakausap ito ni Klient.

"Gayle, hija! You look so stunning.", ani ni Tito nang makita na niya ako. Yumukod naman iyong mga tauhan nila nang makita nila ako. I just smiled at them dahil ang awkward pa rin talaga.

"You look stunning din po.", sabi ko nalang.

Saka ko lang napansin na nakaputi silang lahat habang ako lang ata itong naka-kulay itim. Sinuot ko iyong damit na binili ni Sol para sa charity ball na hindi natuloy dahil sa na-coma ako. Mabuti na nga lang at itinabi ko ito.

We were supposed to shop for a new dress pero naaalala kong hindi ko nga pala ito nasuot kaya pinakuha ko nalang kanina sa apartment ko. Sayang lang din kasi. Nilapitan naman ako ni Klient at bahagya pa akong napakurap-kurap nang hawakan nito ang kamay ko. Mas lalo pa akong nagulat nang may isinuot itong singsing sa ring finger ko. Bahagya naman itong natawa sa reaksyon ko.

"It's an heirloom. Ibinilin iyan sa akin ng Don.", aniya kaya napatingin naman ako sa singsing at napansing magkahawig iyong design nung singsing sa pendant ng suot kong kwintas.

"I am glad that you decided to come here, Gayle.", sabi niya pa saka ako niyakap. Kaya napatango nalang ako at hinayaan siyang yakapin ako.

"Oh siya, let's go. Paniguradong kanina pa silang lahat naghihintay sa atin.", tumango nalang ako saka sumunod sa kanila sa paglalakad palabas. Sinulyapan ko naman sina Carlota at nakitang nakasimangot ito.

Bahagya ko namang binagalan ang paglalakad ko para masabayan ko sila. Hinila ko naman si Nene papalapit sa akin.

"Problema ng isang iyan?", tanong ko sa kanya at humagikik naman ito kaya naitaas ko nalang ang kilay.

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon