Kabanata 11 - Gayle Uchika Diaz
Halos hindi ko maigalaw ang mga braso ko nang magising ako kinaumagahan. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng katawan ko. Nagugutom na ako.
"Gising ka na, Gayle?" bahagya naman akong tumango.
"I can't move my body.", reklamo ko sa kanya kaya natawa ito ng bahagya.
"Nagbigay si Lander kanina ng lugaw, do you want that?", tumango maman ako since kahit pagbuka ng bibig ay mahirap sa akin. Tinulungan niya naman ako para makaupo.
"Do you want me to spoon-feed you?", umiling naman ako kaya ibinigay nito sa akin ang bowl saka kutsara.
Huminga naman ako ng malalim para makahanda sa sakit na mararamdaman ko. Hindi na gaanong mainit ang lugaw but it's fine. Nakailang subo na ako nang dumating sina Faison at Lander.
"Okay ka pa ba, my dear friend?", tanong sa akin ni Lander kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Here are some patches para sa sore muscles niya. You can also put one on her forehead sabi ng kamahalan.", sambit ni Lander kayak siniko siya ni Faison.
"Sweet naman ng kamahalan na iyan.", pangdagdag pa ni Aki kaya napailing nalang si Faison saka bumaling sa akin.
"Nasuntok ni boss si Jason kaninang madaling araw, may nangyari ba?", tanong niya sa akin kaya napanganga naman ako.
"Siya iyong sumuntok kay Jason?", tanong ko at tumango naman silang dalawa habang si Aki ay nag-aabang ng sagot ko.
"Kamuntikan na namin mabaril ang isa't-isa. Buti nalang daw ay naamoy niya iyong perfume ko.", sagot ko kaya napatango naman sila.
"The medicine and ice pack came with some note, kayo iyon?", napatigil naman silang dalawa saka dali-daling lumapit sa akin.
"Where is it?", pati si Aki ay lumapit na rin. What hell are they doing?
"Iyon oh, katabi ng towel.", sagot ko kaya kinuha naman nila iyon saka ngumisi. Kahit si Faison ay nakangiti na rin habang si Aki ay napatakip sa bibig.
"Are you thinking what I'm thinking?", parang baliw na sabi ni Aki saka nagtatalon-talon.
"Pasalamat talaga kayo hindi ko maigalaw ang katawan ko or else, kanina ko pa kayo nahambalos.", ani ko nalang kaya nagtawanan naman ang mga ito.
Umalis din naman sila kaya nilagyan na rin ni Aki ang buong katawan ko ng patches. Nagpaalam naman itong bibisitahin niya raw ang bestie niyang si Dylan. Kahit walang malay iyong tao ay mapapagtripan niya pa rin talaga.
Naalala ko naman iyong ointment na ia-apply sa pasa ko. Inabot ko naman iyon sa night stand saka binuksan. Bahagya akong nagulat nang may kumatok kaya nahulog iyon. Napapikit nalang tuloy ako ng mariin para pigilan ang sariling magmura.
"What are you doing?", agad naman akong napaupo ng maayos nang marinig ko ang boses niya.
"Ba't ka nandito?", wala sa sarili kong tanong kaya napailing ako.
"I mean, may kailangan ka po ba?", magalang kong tanong na hindi niya naman sinagot.
Pinulot niya naman iyong ointment at kukunin ko na sana pero inilayo niya sa akin. Kamuntikan ko na tuloy siya sa samaan ng tingin.
"Let me", aniya kaya kamuntikan na umabot sa hair line ko ang kilay ko nang mapataas ito dahil sa sinabi niya.
"Your shirt", utos niya sa akin kaya hinayaan ko nalang. Itinaas ko naman ito just enough na malagyan niya ng ointment ang buong pasa.
"Is that why you're here?", tanong ko sa kanya habang binubuksan ang ointment.
"You need to rest today. Don't you ever plan of going away from this bed. We need to go to somewhere tomorrow.", sabi niya habang pinapahiran ang pasa ko. Napapangiwi ako sa tuwing nadidiinan niya.
"Masakit?", tanong niya nang umingos ako dahil sa humapdi bigla ang balat ko.
"Hindi naman, parang kagat lang ng dinosaur.", sagot ko sa kanya kaya bahagya itong natawa. Feeling ko tuloy parang bliness ako ni Lord dahil sa tawa niya.
"How am I suppose to go to the bathroom kung hindi ako lalayo dito sa kama?", tanong ko naman sa kanya kaya napasulyap ito sa mukha ko. Sa halip na sumagot ay kinuha lang nito ang thermometer na nasa night stand ko. After a while ay tumunog na ito.
"As someone who has 39.1 degree celcius fever, you talk too much.", reklamo niya kaya inirapan ko nalang ito.
"Have you drinked your medicine?", napatingin naman ako sa orasan.
"Mamaya pang 11:15, there's still 5 minutes.", sagot ko sa kanya kaya kumuha ito ng upuan saka pumwesto sa tabi ng kama ko.
"What are you doing?", tanong ko sa kanya kaya sumulyap siya sa orasan.
"I'll wait for you to drink your meds.", sagot niya naman kaya napabuntong hininga naman ako.
"Wala ka bang trabaho? As someone who runs a very dangerous organization, you sure have a lot of time.", turan ko sa kanya pero hindi na naman siya sumagot.
"You really shouldn't make it a habit not answering when someone's asking you a question.", ani ko kaya napasulyap ito sa akin.
"Are you lecturing me?", tanong niya sa akin kaya napairap ako.
"Hindi naman, nags-suggest lang.", bahagya naman itong napangiti dahil sa sinabi ko.
"Suggestion overruled.", sagot niya sa akin kaya tinitigan ko lang siya ng masama.
"What will you do after if we release you?", tanong niya kaya napaisip din ako.
"Uuwi sa bahay, matutulog tapos ic-check kung may trabaho pa ba kami.", sagot ko sa kanya kaya napatitig na naman ito ulit sa akin.
"We already handled that one.", aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Both of you still have a work when you go back.", napatango naman ako sa sinabi niya.
"Ikaw, anong gagawin mo kung makakauwi na kami?", hindi naman siya sumagot sa tanong ko sa halip ay sumulyap ito sa orasan at inabutan ako ng gamit.
Ang sarap niya tuloy pukpukin. Tinulungan niya naman akong umupo at binigyan ako ng tubig after that I stayed in that position for around 5 minutes saka niya ako tinulungang humiga ulit.
Isa-isa ko namang tiningnan iyong features ng mukha niya nang inayos niya iyong unan ko. Halatang half foreigner siya. Ngayon ko lang din napansin na kulay gray iyong mga mata niya tapos ang haba pa ng pilik mata. Mas mahaba pa sa akin.
Napatigil din naman ako sa mga pinag-iisip ko nang tumingin ito sa akin. Nginitian ko lang siya para hindi halatang I'm checking him out.
"It's either I'm gonna follow you out there or I'll gonna ask you to stay.", biglang sabi niya kaya napakunot noo ako.
"Ha?", tanong ko sa kanya pero ngumiti lang ito. Feeling ko tuloy bumagal ang oras dahil sa ginawa.
"It's for your question earlier. Go to sleep, Gayle.", aniya kaya napakurap-kurap ako. Naramdaman ko naman ang pagdampi ng kung ano sa noo ko bago siya tuluyang umalis.
Napahawak naman ako sa dibdib ko na akala mo naman ay nagp-palpitate ako. How come na magp-palpitate ako eh matagal ko nang tinigilan ang pagka-kape? Holy cow, crush ko ba ang boss nila?
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)
Romance[Completed] This is the first book of the Mafia Boss Series! As they were going home from backbacking, Gayle and her friend didn't expected something wrong to happen that would lead them into living in the same roof of a mafia boss! Will they'll be...