Kabanata 12

554 13 1
                                    

Kabanata 12 - Gayle Uchika Diaz

Just like what Sol said, I did my best not to get out of my bed the whole day. Faison and Lander check on me like every hour. I almost throw the lamp at their faces when they keep on coming back.

"Ang sarap pa matulog.", sabi ko kay Aki at napatawa naman ito.

"Mabuti ka pa nga makakalabas ka na. Eh ako, nakatingga pa rin dito. Bilhan mo kong pasalubong ah.", aniya kaya tumango nalang ako saka kumuha ng towel at pumasok ng banyo.

Matapos ko rin namang maligo ay nagbihis din ako kaagad. I am wearing a white tank top na pinaresan ko lang ng denim skirt na aabot below my knee. May slit naman ito sa kabilaan and I wore a safety shorts kaya makakagalaw naman ako kahit anong gawin ko.

Maagang pumunta si Aki kay Dylan dahil ayaw niyang tumambay dito dahil ayaw niyang mag-isa. Akala mo naman nakakausap niya iyong makakasama niya sa kwarto eh. I blow dried my hair saka ito brinaid. Nagpulbo lang ako saka liptint at trinim na rin iyong kilay ko.

"Sabi ni boss mga 8 raw kaayo aalis since dadaan pa siya sa headquarters.", napatingin naman ako sa may orasan at nakitang 7:30 pa lang.

"Okay!", sagot ko dito saka bumalik sa pagbubunot ng kilay. Nang makontento ako kay hinalughog ko naman ang gamit ko para hanapin iyong paborito kong purse. Naglagay lang ako dun ng pera saka liptint and ayos na.

Kinuha ko lang iyong relong nilapag ko kanina sa kama saka sinuot. Chineck ko naman iyong oras at nakitang 7:55 na. Ang bilis ah, naka-timelapse pa ata iyong oras. Nagpabango muna ako saka lumabas ng kwarto. Tinungo ko naman ang kwarto ni Dylan.

"Aalis na ako, Aki.", sabi ko saka siya nilapitan at niyakap. Tinapik ko rin ang kamay ni Dylan.

"Good morning, Dylan.", bati ko sa kanya saka muling lumabas at tumungo sa opisina ni Sol. Naghintay lang ako sa labas ng opisina niya. Nakasandal sa may dingding para kapag mag-alas otso na ay makatok ko na ito.

Nang makita kong mag-alas otso na ay umayos naman ako ng tayo saka lumapit sa pinto. Kakatok na sana ako nang kusa itong bumukas. Napakurap-kurap naman ako nang makitang naka-simpleng shirt lang si Sol na pinaresan niya lang ng jeans.

"Hi!", awkward na bati ko sa kanya at pinasadahan niya naman ako ng tingin.

"Let's go.", aniya kaya tumango nalang ako saka sumunod sa kanya.

Unlike the other day, hindi niya ginamit iyong elevator papunta sa common room. Tumungo kami sa private elevator niya. Hindi ko alam kung wala ba siya sa mood o ano.

His face just seem looks expressionless right now. Ayos lang kaya siya? Ayoko rin namang magtanong baka bigla niya nalang akong kitilan ng buhay dito kasi wala siya sa mood.

"I'm good.", napakurap-kurap naman dahil sa sinabi niya.

"You keep on glancing at me. And stop fidgeting.", dagdag niya pa kaya tumango naman ako. Mukhang nagagamit niya na iyong telepathic powers niya sa akin.

Bumukas naman ang elevator at nagsimula na ulit itong maglakad. Sinusubukan kong bilisan ang lakad dahil sa sobrang tangkad niya ay baka maiwan niya ako. Mukhang sa likuran kami ng building niya dumaan.

May naghihintay naman dun na kotse. Nakita ko namang naghihintay roon si Cairo kaya kinawayan ko ito. Nginitian niya naman ako pabalik.

"Good morning, Sir.", bati niya kay Sol pero tinanguan lang siya nito. Napansin ko namang may dalawa pang kotse ang parang naghihintay sa amin. Isa sa unahan isa sa likuran. May convoy pa ata itong si Sol.

Pagkapasok naman namin ni Sol sa kotse ay agad ko rin namang namukhaan ang driver. Akala ko ay biro lang iyong sinabi niyang driver siya ni Sol pero mukhang totoo pala. I mouthed him 'good morning' at tumango naman ito saka ako nginitian.

It seems like hindi lang ako nakakapansin sa mood ng boss nilang akala mo isang maling galaw lang ay ihahambalos ka na sa kung saan. Nakaka-curious tuloy ako kung anong meron. I made sure na may distansya between us. Baka kasi ayaw niyang nahahawakan siya.

We travelled in silence kaya tumitingin nalang ako sa labas ng bintana. Isasama kaya niya ako sa loob? Or iiwan niya ako dito sa kotse? Makalipas lang din ang nakakabinging byahe dahil sa sobrang tahimik ay agad ko rin namang nakita iyong tinatawag nilang headquarters.

'Ang laki.', iyan nalang ang masasabi ko. Mukhang lalagpas pa ata itong 20 floors. 30 siguro or 40? May kung sino namang nagbukas ng pinto ng kotse.

"You're coming with me.", utos niya kaya napangiti ako. Sumunod naman ako kaagad sa kanya pagkalabas niya sa kotse.

"Kung hindi niya talaga babagalan iyang lakad niya hihingalin na ako.", pabulong ko sabi kay Cairo kaya natawa ito ng bahagya.

Huminga naman ako ng malalim saka tinakbo ang distansya namin ni Sol. Muntikan na akong matalisod dahil sa bigla nalang itong huminto at humarap sa akin. Mabuti nalang ay nahawakan niya ang braso ko.

Ramdam kong nakatingin sa amin ang lahat. Tumingala naman ako kaya nagtama ang aming mga tingin. Napahinga tuloy ako nang malalim. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.

"Am I too fast?", kalmadong tanong nito sa akin kaya tumango naman ako.

Hindi niya naman ako binitawan instead he held my hand saka nagsimulang maglakad ulit. Napalingon naman ako sa likuran at mukhang gulat din sina Cairo sa ginawa nito. Pinanlakihan ko naman sila ng mata pero umiling lang ang mga ito.

Yumuyuko naman iyong mga nadadaanan namin. I could feel the tension building up with them. Takot na takot nga ata talaga sila sa isang 'to. May naghihintay naman sa amin by the entrance. Sinulyapan pa ako nito saka bumaling sa boss niya.

"Boss, nasa conference room na po iyong kailangan niyo. Nandun na rin po ang iba naghihintay.", tumango naman itong katabi ko.

"Wait for me there.", utos niya kaya dali-dali ring nagsiyukuan ang mga kasama nito nang magsimulang maglakad si Sol. So, this is how this works here.

"You're gonna wait in my office. You won't feel comfortable kung iiwan kita sa kotse.", aniya kaya tumango ako. Sumakay naman kami ng elevator at medyo tama nga ang hula ko. The building has 42 floors.

Pagkabukas naman ng elevator ay may dalawang lalaking naghihintay sa amin. Yumukod din naman sila pagkakita nila sa amin. Tumungo naman kami sa pinakadulo at pumasok sa office niya. Malaki na iyong opisina dun sa tinitirhan namin pero mas malawak ang isang ito.

"There's a fridge, you can eat anything you want there.", turo niya sa fridge na nasa may sulok kaya tumango ako.

"Come here.", aniya kaya sumunod ako sa kanya. In-on niya naman ang computer niya and he typed his password nang hindi binibitawan ang kamay ko.

"You can find games there or if you want you can watch videos. Just don't open any files.", utos niya saka binitawan ang kamay ko.

"Someone will check on you later.", aniya kaya tumango ako.

"Maybe I'll be back around 11 or even earlier. I gotta go.", sabi niya saka tumingin sa akin.

"I understand everything. Don't worry I won't cause any trouble.", sabi ko sa kanya pero hindi ito tumango o ano. He just keep on staring at me.

"And if you feel sleepy, just slide that door. There's a bed right there.", ang dami niya namang bilin para naman akong bata nito.

"Oo na, kaya alis na. Baka kanina ka pa nila hinihintay.", sabi ko sa kanya kaya mas lalo lang itong napatitig sa akin.

"Boss, alis na.", utos ko sa kanya kaya umiling ito.

"It's Sol for you.", aniya kaya kamuntikan ko na naman itong mairapan.

"Oo na, Sol. Now, off you go.", sabi ko kaya tumango na ito. Hayst, sa wakas.

"Good luck!", pahabol ko pa sa kanya pero hindi niya na ako nilingon. Ang sungit!

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon