Kabanata 10

543 14 0
                                    

Kabanata 10 - Gayle Uchika Diaz

Naamlipungan naman ako dahil masyado nang kumikirot iyong tagiliran ko. Dahan-dahan naman akong bumangon saka sinilip ito. Kung kanina ay hindi ito masyadong kulay purple ngayon parang nangingitim na. Gawa ba sa bakal iyong kamao ni Sol?

Chineck ko naman kung hindi pa ba tunaw pero masyado nang basa iyong towel na nilatag ko para hindi tumulo iyong ice. Wala naman akong magawa kundi ang bumangon saka kinuha ang towel at ice pack saka tinuyo iyong towel at ice pack sa banyo. Nasa banyo pa ako nang marinig kong bumukas iyong pinto.

"Deej?", tawag ko dito kaya napalingon naman ito sa akin.

"Okay ka lang?", tanong niya sa akin kaya tumango naman ako.

"May problema ba?", tanong ko sa kanya.

"Iyong baril mo? Asan? Keep it close to you bababa na muna ako.", paalam niya kaya tinanguan ako nito.

"Baka hanapin ako ni Jason sabihin mo bumaba ako.", aniya kaya tumango lang ako saka napasulyap sa may wall clock. Mag-aalas tres pa ng madaling araw.

Bumalik naman ako sa kama saka umupo. Sinusubukan ko namang pisilin iyong pasa ko para ma-tansya kung gaano na siya kasakit. Ilang minuto lang ang makalipas ay bumukas uli ang pinto.

"Nasaan si Deej?", tanong ni Jason sa akin nang maabutan niya akong gising pa.

"Bumaba siya kani-kanina lang.", sagot ko kaya tumango ito. Napansin ko namang napahawak ito sa tiyan saka napangiwi.

"May kailangan ka bang gawin? Pwede namang ako na muna magbantay kay Dylan.", nagulat naman ito sa sinabi ko. Pero kalaunan ay pumayag din ito.

"Thank you, Gayle.", aniya kaya ako naman na itong nagulat. Sa buong pananatili namin dito ay walang ni isa sa amin ni Aki ang tinawag niya gamit ang first name.

"You're welcome, saka pwede pa-favor? Pakuha sana ako ng ice para sa ice pack.", tumango naman siya at kinuha ang ice pack sa kamay.

Sinigurado ko namang naka-lock ang pinto sa kwarto namin ni Aki and I also brought the spare key para makabalik ako mamaya. Ang sakit ng tagiliran ko sa tuwing hahakbang ako. Hinding-hindi na talaga ako makikipag-spar sa boss nila! Baka sa susunod mabalian na ako ng ribs.

Madilim iyong kwarto pagdating ko kaya hinayaan ko nalang. Umupo naman ako sa silya na nasa tabi ng kama. Hinawakan ko naman ang kamay ni Dylan para tingnan if nilalamig ba ito. Hindi naman ito malamig kaya hindi ko na inayos ang pagkakakumot sa kanya.

Dala-dala ko iyong baril na ibinigay nila sa akin just in case na may pumunta dito o kung ano pa man. Sa tingin ko ay wala naman siguro silang ipapagawa sa akin mamayang umaga. Pero nagtataka talaga ako what's so special about Dylan.

Alam kong they treat each other like brothers but still, being in the 20th floor together with their boss is something. I feel like there's a catch. I was just humming some song when I heard some foot steps coming here. Agad din naman akong tumayo. This doesn't sound like Jason. Ikinasa ko naman ito habang naghahanda kung sakaling hindi nila ito kasamahan.

Pagkabukas naman ng pintuan ay agad kong itinutok sa kanya ang baril. Nakarinig din ako ng kasa ng baril. Bigla namang bumukas ang ilaw at bumungad naman sa akin ang boss na puno ng dugo. It looks like he showered with blood.

"If I haven't smelled your perfume right there, I would have already planted a bullet in your head.", monotone niyang sabi habang pinapasadahan ako ng tingin.

"And if I didn't wait until I see your face before firing, I would have also planted a bullet in your bloody forehead.", sagot ko sa kanya kaya bahagya itong napangisi.

Binaba ko naman ang baril saka umupo ulit. Naglakad naman ito papunta sa couch saka umupo roon. Mabuti nalang at leather ito saka kulay black.

"Aren't you supposed to shower first?", tanong ko sa kanya saka siya tiningnan. Umiling naman ito.

"I want to check up on him.", sagot niya naman kaya tumango ako.

"So, you've the won the war?", tanong ko ulit sa kanya at isinandal naman nito ang likuran saka pumikit. Is he sleepy?

"It's not even a war, more like a fistfight.", sagot niya saka umayos ng upo at muli akong tinitigan.

Just his usual blank stare at me.

"You always do that.", sabi ko sa kanya.

"You always stare at me like that.", umiwas naman siya ng tingin matapos kong sabihin iyon.

"Mataas ang rank ni Dylan sa organization niyo?", tanong ko sa kanya kaya muli naman itong napatingin sa akin.

"He's the first line in the succession of being the boss.", sagot niya kaya napaisip naman ako. Is he his right hand?

"He's my half brother.", aniya nang mapansin niyang napaisip ako sa sagot niya.

"I'm gonna take a bath. You should also take a rest, Miss Diaz.", sabi niya pagkatayo saka lumapit sa akin.

"Faison told me I gave you a bruise earlier. Let me see.", sabi niya kaya ipinakita ko naman iyong pasa ko sa tagiliran. He titled his head assessing my bruise.

Bigla naman niyang hinawakan ang noo ko gamit ang index finger niya. Huminga naman ito ng malalim saka humakbang paatras.

"You should go to bed now, Miss Diaz. It seems like you're about to have a fever.", turan niya kaya tumango ako.

"Hintayin ko lang si Jason.", sabi ko sa kanya kaya tuluyan na itong naglakad papunta sa pinto.

"Good night, Gayle.", napako naman ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Nakalabas na siya bago ako matauhan.

"Good night, Sol!", napabuga naman ako ng hangin nang tuluyan na niyang maisara ang pinto.

May iilang mantsa ng dugo ang sahig. What the hell is going in his mind para pumunta dito while he's covered with blood? Napatingin naman ako kay Dylan na parang mahimbing pa rin na natutulog.

So there's really a catch about him. He's his brother, pero paano naman kaya nakuha ng ibang organization na saktan siya? And to my surprise, the boss didn't even have his move about the ones who hurt his brother. Sa pagkakaalam ko ay ang mga Luezzo ang may gawa ng pambubugbog sa kanya.

Makaraan ang ilang minuto ay dumating na rin si Jason. Nabigla pa ako dahil para atang nasuntok iyong kanang pisngi niya pero hindi na ako nagtanong kasi baka hindi siya comfortable. Nagpaalam naman ako kaagad saka dumiretso sa kwarto.

Nasa may night stand ko na iyong ice at may mga gamot. May note pa roon na nakalagay.

'Drink this.', penmanship ba 'to ni Jason? Or baka ni Deej?

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon