Chapter 30
Solistaire Achilles Morris
After getting an update of where Akihira is, I immediately called my men to gather and meet me on the headquarters. I have also asked a few of them to go there first to see kung tama nga ba ang nakuhang information ni Pavel. Sinalubong naman nila ako nang makarating ako sa headquarters.
"May nakapag-confirm na ba?", tanong ko sa kanila at tumango naman si Pavel.
"What about Dylan? Is he still nowhere to be found? Hindi niyo ba ma-trace ang cellphone niya?", tanong ko at nakita ko namang nagsipag-iwasan sila ng tingin.
"What the fvck is happening?", tanong ko namang muli and I could see how they moved away from me.
"Eh kasi boss—", ani ni Pavel kaya tumigil ako sa paglalakad. I just stood there waiting for him to finish what he's about to say.
"Boss, mukha po kasing kasamahan niya iyong dumukot kay Akihira.", pagpapatuloy ni Pavel kaya hindi ko alam kung anong dapat bang maging reaksyon ko. What the hell is happening?
"Nagpapatawa ka ba?", tanong ko sa kanya at umiling naman ito.
"Noong una may napapansin na po talaga akong kakaiba. Isinawalang bahala ko nga lang kasi imposible namang may gawin si Dylan. Pero kasi boss—", napatitig naman ako sa screen ng tablet na siyang hawak-hawak.
He showed me pictures of Dylan talking with the Don of Luezzo. I could feel my body heating up in which hindi ko alam kung sa anong rason. Is it because of the fact that he had betrayed me? Or is it because I was too dumb to notice that he has been a rat all this time? How the fvck did this happen? What the hell is his reason?
"Call everyone, group everyone into three. Send one to the Allejos, another one to the Luezzos, and the rest will come with me to get Akihira.", hindi ko mapigilang hindi maikuyom ang mga kamao ko dahil sa galit.
I am fuming mad. I badly want to throw everything that goes in my way or my sight. I want to destroy everything. EVERY.THING.
Isaac handed me my gun and my radio. Kinuha ko na rin ang susi ng kotse saka nagpatiunang naglakad palabas. Nilingon ko naman si Pavel.
"Nasaan na ngayon si Dylan?", tanong ko dito at chineck naman nito ang cellphone niya.
"Mukhang umalis na sila sa warehouse, boss. Nakasunod na rin sa kanila iyong iilang tauhan natin na naipadala ko kanina.", aniya at napansin ko namang napakunot ito.
"Mukhang papunta na ang mga ito sa headquarters ng Luezzo, boss.", napatango naman ako saka naglakad na papunta sa labas.
"Try to call Lander.", sambit ko kay Cairo nang sumunod ito sa akin. Agad din naman nitong tinawag ang kasamahan at napatigil nang mapagtanto na nitong naka-off na ang cellphone nito. Napamura naman ako.
"Call Pavel! Tanungin mo kung makakaya ba nilang tingnan kung nasaan na sina Lander.", sigaw ko saka dali-daling sumakay sa kotse. Hindi na ako nagsayang ng oras at dali-daling pinaharurot ang sasakyan papunta sa mansion ng mga Luezzo.
This is gonna be their end. I'm too d*mn tired of their sh*t.
- - - - - - - - - - - - - -
Cairo's POV
Napakamot naman ako sa ulo nang iwanan ako ni boss. Akala ko pa naman ay isasama niya ako sa kotse niya. Natawagan ko na si Pavel nang may tumigil na sasakyan sa harap namin.
"Ano pang hinihintay niyo? Sakay na!", sambit ni Jason kaya dali-dali na lamang kaming sumakay kotseng minamaneho niya. Tinawagan ko na rin si Luigi para tanungin kung nasaan ito.
"Saan ba tayo? Sa Allejos? O sa mansion ng Luezzo?", tanong ni Jason.
"Sa Luezzo, papunta na sina Luigi sa mansion ng mga Allejos.", sagot ko naman kaya tumango na lamang ito.
"Eh si boss ba? Saan siya papunta?", tanong sa akin ni Faison kaya chineck ko nalang din ang location ni boss.
"Sa Luezzo ata ang punta niya. Kung ang mga Luezzo nga ang may pakana nitong lahat, ibig sabihin ay dadalhin lang din nila si Gayle sa mansion ng mga Luezzo.", sagot ko kay Faison at tumango naman ito.
"Eh sina Lander kaya, sa tingin niyo ay ayos pa sila? Paano naman kaya nakapasok ang mga Luezzo sa Allejos?", turan ni Jason kaya napabuntong hininga naman ako.
"Paniguradong may nag-traydor din sa kanila. Ipagdasal nalang natin na sana nga lang ay hindi sila mapuruhan lalo na si Gayle.", sagot ko kaya napangiwi naman silang dalawa.
"Have you seen his face? He looks like going to murder every person who's going to stop him. Namula ba naman dahil sa galit.", ani ni Jason kaya napailing nalang din ako.
Sana nga lang talaga ay hindi masaktan sina Lander. Kung bakit kasi hindi nalang namin isinama sina Gayle kanina. Bw*set na mga Luezzo ito.
- - - - - - - - - - - - - - -
Gayle Uchika Diaz
Hindi ko naman maiwasang hindi mapaingos nang makaramdam ako ng hapdi sa may uluhan ko. Dali-dali ko rin namang iminulat ang mga mata nang maalala ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay.
Sh*t! Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang traydor siya. Ilang taon niyang pinangalagaan ang organisasyon ng Don, he was even so close with Klient! At mas lalong hindi ako makapaniwalang naloko niya rin ako.
Agad ko namang inilibot ang tingin at napansin ko namang duguan na sa isang tabi sina Lander at Deej. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapamura sa isip. Lumingon-lingon naman ako sa paligid at mukhang wala na ata kami sa Allejos. Saan naman kaya nila kami dinala?
Pinilit ko namang tanggalin ang pagkakagapos sa akin but it was too tight. Ni hindi ko man lang maagaw ang atensyon nina Lander kung sakali mang may mga malay pa ito dahil sa may duct tape sa may bibig ko. T*ngena naman talaga nilang lahat oh!
I tried to move once more nang may marinig akong mga yabag na paparating. I could feel my heart beats so fast. Are they planning on killing us? Alam kaya ni Klient na may traydor sa Allejos? What about Sol? Si Akihira? I couldn't stop myself from being emotional dahil sa hindi ko na rin alam kung anong dapat kong gawin.
"Gising na pala ang mahal nating prinsesa.", nilingon ko naman ito and I wished and hoped I could erased that smirk off his face. Pero mas lalo naman akong nagulat nang biglang may naglakad patungo sa tabi nito. My brain just froze and wasn't able to process what was happening.
Bakit kasama ni Tito Sergei si Dylan?
"Long time no see, Gayle. You look good, by the way.", tila pang-aasar pa nito kaya tila ba mas lalo lang akong nawala sa wisyo. How the hell did this happened?
[A/N: I'll probably add another chapter before the epilogue, and that's it. I was just kind of busy nowadays, so I am sorry for keeping you waiting. Thank you for reading, pagpalain kayo nawa.]
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)
Romance[Completed] This is the first book of the Mafia Boss Series! As they were going home from backbacking, Gayle and her friend didn't expected something wrong to happen that would lead them into living in the same roof of a mafia boss! Will they'll be...