Kabanata 18

493 14 0
                                    

Kabanata 18 - Solistaire Achilles Morris

Mag-aalas dose na pero wala pa ring sagot si Pivot sa mga mensahe namin. Tumayo naman ako kaya nagsipagsunuran naman sila.

"Are they ready?", tanong ko kay Cairo at tumango naman ito.

"Nandun na raw si Pavel, boss.", tumango naman ako.

"Let's go.", sabi ko saka kami naglakad palabas ng headquarters. Pumasok naman ako sa kotse.

Cairo will be the driver habang si Faison naman ang nasa tabi nito.

"I'll be in the other car, boss.", nakahanda na ang halos benteng kotse sakay-sakay ang mga tauhan ko. Nauna naman ang sampo at sumunod naman kami saka ang sampung kotse na pinapangunahan ni Lander.

"Tell them to make it faster.", utos ko na siyang sinunod din naman nila. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa byahe. Approximately 40 minutes ay nakarating na kami sa mansion ng mga Luezzo. Bumaba naman ako sa kotse saka lumapit sa gate nila at nag-doorbell.

"Sino sila?", tanong parang kasambahay nila.

"Tell your Don that Morris is here.", sagot ko at makalipas ang ilang minuto ay may nagsilabasan namang mga armadong lalaki.

Kasunod nun ay lumabas na si Don Lucio ang head at boss ng Luezzo mafia.

"Alam mong hindi ikaw ang pinunta ko dito. Ibigay mo na si Pivot.", sambit ko pero tiningnan lang ako nito.

"I know that you know that I don't care about your organization being considered as one of the originals. If I want to, I can just end you all here but here I am asking you nicely. GIVE ME THE FVCKING PIVOT, NOW!", dumagundong ang boses ko sa buong compound nila.

Bumalik naman si Don Lucio sa loob and after a few minutes ay hila-hila na ito ng mga tauhan niya. Sigaw ito nang sigaw habang panay tingin sa may bintana kung saan nakadungaw si Don Lucio.

"Tang*na mo, Lucio! Matapos kitang tulungan noon ilalaglag mo lang din pala ako! Ikaw pa naman ang nakaisip na galawin ang Morris!", nagsisigaw pa ito nang kung ano-ano bago pa ito makarating sa harap ko.

Lumuhod naman ito sa harap ko saka nagsimulang umiiyak. Wala pa nga akong ginagawa pero umiiyak na ito. Hinawakan ko naman ang baba nito saka diniin ng sobra.

"If you have just surrendered yourself earlier in the morning this may not have escalated like this. Padre pamilya ka pa naman pero isa kang duwag!", I punched him in the face making him lose his consciousness.

Tumingin naman ako sa may bintana kung saan nakadungaw si Lucio. Darating din ang oras mo, maghintay ka lang. Isa-isa namang itinapon ng mga tauhan ko ang mga boxes na may lamang pera. Isinakay naman sa isang kotse si Pivot. Lumapit naman sa akin si Pavel.

"Continue spying on them and the request for meeting for the Allejos.", utos ko sa kanya kaya tumango naman saka nag-bow. Nagsipagsunuran naman ang lahat saka  ako pumasok sa kotse.

"Let's go back to the headquarters.", anunsyo ko nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Boss!", napakunot noo naman ako nang si Deej ang sumagot sa cellphone ni Luigi.

"Kinombulsyon si Gayle, boss. Itatakbo na namin sa hospital.", alam kong narinig din nila iyon nina Cairo dahil binagalan nito ang takbo.

"Saang hospital siya daldalhin?", tanong ko at nang banggitin na ni Deej ang pangalan ng hospital ay agad din namang kumambyo si Cairo.

"Ang kotse lang ni Lander ang ipasunod sa atin.", sambit ko at tumango naman si Faison.

"Tawagan niyo si Pavel at ipapunta sa headquarters para siya ang umasikaso kay Pivot. Sabihan niyo rin si Isaac na ayusin ang pagbabantay at h'wag na h'wag niyang hayaang mamamatay ang isa sa kanila.", dagdag ko pa at ipinadala niya naman ang utos ko sa kanila.

Pagkarating naman namin sa hospital ay sakto ring pagdating nina Luigi. Nakatingin lang ako habang inaasikaso sila ng mga nurse. Ipinasok naman siya sa loob ng emergency room. Inilabas ko naman ang cellphone saka may tinawagan.

"Cameron", bati ko dito pero hindi naman ito bumati pabalik.

"Ikaw 'to Achilles?", napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya.

"Do you know someone who's in high position in St. Madrigal's?", tanong ko sa kanya at hindi na naman ulit ito agad nakasagot.

"Ah oo, may na-hospital ba? You could have just bring them in your hospital ah.", I owned a hospital somewhere in the city pero masyadong malayo iyon para roon dalhin si Gayle.

"My patient needs immediate attention that's why we brought her here.", sagot ko sa kanya.

"Okay, text me the name and I'll do the rest.", aniya kaya napatango ako.

"Thanks", pasasalamat ko sa kanya at ibababa na sana ang tawag nang nagsalita.

"Holy mackerel! Sino itong pasyente for you to call me to ask some help and thanked me? Is the world ending?", I can't helped myself to roll my eyes. He always has this dramatic reactions.

I just smoked one stick of cigarette saka ako pumasok sa emergency room. Napatingin naman sa akin ang iilang doctor. May kung ano-anong kinakabit na sila kay Gayle.

"Kailan ito nangyari? She got a gunshot wound. We should call the police.", sabi nung isang doctor saka sumulyap sa akin. Bigla namang bumukas iyong isa pang pinto kaya napatayo ang lahat ng nurses pati mga doctors.

"President!", tawag nila dito kaya napatitig sa kanya.

"It's good to have you here, Mr. Morris.", tumango naman ako.

"It's been a while, Doc Finn.", bati ko sa kanya kaya nagbulungan ang mga doctors at nurses.

"Morris? As in Morris Medical Center?"

"Oo, t*nga! Hindi niyo pa ba nakikita iyan siya sa internet?"

"Omg! Kung may hospital naman pala siya bakit dito niya dinala?"

"We were just around the corner and she's getting worse so we brought her here. My hospital is a little far from here.", turan ko naman kaya natatahimik ang mga nagbubulungan kanina.

"Does she need surgery, Doc Rivers?", tanong niya dun sa doctor na nagsabing magtatawag ba daw ng police because of the gunshot wound.

"Hindi doc, but she needs to be in ICU. Ang taas ng lagnat niya.", sagot naman nung doctor.

"Ah, can someone fill up the form po for the patient?", tanong nung isang nurse kaya lumingon sa akin si Aki. Tinanguan ko naman ito kaya lumapit naman siya sa nurse.

After niya mag-fill up ay it-transfer na raw nila si Gayle sa ICU. Nag-suggest din ako na they should take a CT Scan and Xray kay Gayle. Sabi nila ay bukas na since hindi pa siya ganun ka stable. Sinabihan ko naman sina Luigi na sila muna ang sumama kay Aki na magbantay.

"May aasikasuhin na muna ako sa headquarters.", sabi ko kay Luigi at tumango naman siya.

"No worries, everything will be fine.", aniya kaya napatitig ako sa mukha niya. Halos lahat ata sila ay nag-aalala na rin sa akin.

"I'm good. Don't look at me as if I look so pitiful.", sabi ko kaya nagsipagtinginan sila sa isa't-isa.

"Because you are, Solistaire.", sabi ni Luigi so I just shook my head.

"Aalis na ako, I'll be back later.", paalam ko sa kanila at sumunod naman sina Cairo.

The Mafia Boss' Cute Little Crush (TMBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon