GiD 4 - Gorgeous Amethyst Eyes

5K 279 43
                                    

Thanks kay @KeyASDxxx sa paggawa ng new book cover ko.


Charlie Alexis Devonne Eldridge

FB: https://www.facebook.com/profile.php?id=100008790918735&fref=ts

Twitter: https://twitter.com/cdarkempress

Page: https://www.facebook.com/Charlie-Alexis-Devonne-Eldridge-CADE-963589567053733/?fref=ts


****

GiD
Copyright © 2016
MidnightScarletSkye


****


Chapter 4 - 

Gorgeous Amethyst Eyes



ALEXIS'S POV


Papunta na ako sa classroom namin. Ito ang first day ko sa pagpasok sa school. Dapat balak kong pumasok na kahapon pa, pero dahil ang sabi sa akin ng Chairman ng University ay okay lang na kahit huwag muna akong umattend ng class kahapon kaya iyon ang rason kung bakit ngayon pa lang ako papasok.


Wala naman akong ginawa kahapon kundi ang maglibot sa campus para hindi naman ako mangapa kung saan ang lugar na dapat kong hanapin at puntahan. At saka maging familiar na rin ako sa bago kong paligid. Madali nga lang talaga akong nabagot kahapon kaya hindi rin nagtagal ay umuwi na rin ako agad hindi pa man nag-iinit ang aking mga paa sa pag-iexplore ng University.


Kinuha ko ang MacBook IPad na nasa bag ko upang tingnan ang schedule ko for today. Tiningnan ko na rin kung saang building ba yung pupuntahan ko. Nang matapos tingnan, pumasok na ako sa building kung nasaan ang klase ko.


Pagpasok ko pa lang sa entrance ng building, lahat na yatang taong nasa lobby ng building ay napatingin sa akin. Nag-alangan tuloy ako kung tama ba ang pinuntahan kong building. Though sanay naman na ako sa ganoong nakukuhang atensyon, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mailang.


They told me to go straight here. And from the lobby, I should go to the left wing. Oh there you are!


Patay malisya akong naglakad sa loob at hinanap ang binigay na instruction. Nakita ko naman agad kaya tinungo ko na ang pa left wing. Kunuha ko ang gold plated card na ibinigay sa akin ng Chairman ng school at sinuwipe sa scanner machine. Napatingin ako sa paligid ng marinig ko ang mahihinang pagsinghap ng mga ito.


Nang lingunin ko naman ang mga ito, yung iba nakanganga at nakatunganga sa akin na tila manghang mangha sa nakikita nila. Habang ang iba naman ay nagniningning ang mga mata sa tuwa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi tumaas ang sulok ng mga labi ko.


What's wrong with these people? They're acting weird.


Muli akong humarap sa scanner machine para kunin ang gold plated card ko at muling sana ay ibinalik sa aking bag.


"Ahm, excuse me Sir. Are you Charlie Alexis Devonne Eldridge?"


Hindi ko pa man tuluyang naibabalik sa bag ang gold plated card na hawak ko ay rinig ko yung nagsalitang babae sa likuran ko. Hindi ko na nagawang ibalik sa bag ang dapat ko sana ay ibabalik dahil nilingon ko na yung babae. Isang may kaliitang babae na naka pang office uniform ang nabungaran ko. Taga administration's office ito, ayon na rin sa nasilip kong name nitong nakasabit sa I.D nito.

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon