GiD
Copyright © 2016
MidnightScarletSkye
****
Chapter 22 - Beautiful Stranger
CLYDE'S POV
Simula ng tumuntong ng stage si Alexis ay hindi ko na ito nilubayan ng tingin. Nagulat ako ng tawagin ang pangalan nito. I am surprised to see him. Hindi man lang sumagi sa isip ko na sasali ito sa ganitong pakulo ng school. At halos malaglag rin ang panga ko ng makita ang ayos at itsura nito. Halos hindi na namin ito makilalang si Alexis. Ang layo ng itsura nito ngayon compared the itsurang palagi naming nakikita. Mula sa isang makisig na lalake ay isa na itong napakaganda at kaakit-akit na babae.
Matiim ko itong pinagmamasdan mula sa aking kinauupuan. Hindi ko akalaing malakas rin pala ang sense of humor nito dahil kanina pa tawanan ng tawanan ang mga audience. Na kahit itong mga katabi ko sa panel of judges ang lalakas ring makatawa. Maliban sa halatang-halata ditong sanay ng rumampa sa ibabaw ng stage at sa harap ng napakaraming tao, magaling rin itong sumagot sa mga tanong ng emcee. Kung iyong ibang contestants hindi alam kung paano sasagutin ang tanong, ito naman cool na cool lang kung sumagot.
Kanina pa ako nababagot sa kapapanuod ng mga ipinapakitang talent ng candidates. Kung hindi pagsasayaw na tila kawayan lang kung gumalaw sa gitna ng stage, ang pagkanta naman na nasisintunado. Nahihilot ko na lang ang sentido ko at panaka-nakay napapapikit dahil talaga namang sumasakit ang ulo ko sa kanila. Ano ba naman kasing kabaliwan itong naisip ng board members at ganito pa talaga? Bakit hindi na lang sila kumuha ng totoong babae o hindi kaya totoong bakla? Hindi sana ngayon nagkakandautal sa pagsagot at hindi napapahiya sa ilang beses na muntikan nilang pagkatapilok dahil mataas na high heels nilang suot.
But seeing Alexis standing at the center of the stage, walking gracefully and answering questions in a smartly and a witty way. Biglang nawala ang pagkabagot ko. Natatawa na nga ako eh. Lihim nga lang. Kung hindi lang namin alam na lalake ito ay talagang pwedeng akalain ng sinuman na isa itong kaakit-akit na babae. Wala akong idea kung paanong nagkaroon ito ng mahubog na katawan. Dahil na rin siguro sa puro babae at bakla ang mga kasama nito sa club. Pakiramdam ko bigla na lang akong tinarakan ng anesthesia dahil ko ko magawang gumalaw man lang sa kinauupuan ko. At maging ang mga kaibigan ko at mukhang ganoon na rin ng mga oras na iyon. Bakit nga ba hindi eh, ng sumayaw at kumanta ito, ipikitmo lang ang iyong mga mata at pakiramdammo nasa concert ka na. Ang galing nitong sumayaw. Babaeng-babae ang galaw. Alam kong hindi boses ni J.Lo ang naririnig naming pumapailanlang sa buong auditorium, at imposible namang kay Alexis iyon. Kaya ipinagpalagay kong sa ibang tao iyon. Masyado siyang mahusay sa pag-lip sync. Bawat bitaw ng mga nota ay sabay sa pagbuka ng bibig nito. Para na ring ito mismo ang kumakanta.
Pasimplekong naipilig ang ulo ko para palisin ang ideyang ito ng ang kumakanta. Nababaliw na siguro ako kung iisipin ko iyon gayong napaka-imposible namang mangyari. Saglit kong tinapunan ng tingin ang mga kaibigan ko para tingnan kung anong reaksyon nila. Napailing na lang ako nga makitang enjoy na enjoy ang twins at si Sage. Si Flynn naman patawa-tawa lang din samantalang si Zayden natatawang ewan. Nakangiwi kasi ito. Saka bakit ba namumula ang mukha nito? Saka ko lang napagtanto kung bakit. Nang lumakas kasi ang hiyawan ng mga audience muli kong ibinalik ang tingin ko sa stage and there, kinikindatan sila ni Alexis. Dapat amndiri ako pero bakit wala akong makapang pandidiri sa pagkatao ko? Dahil siguro, wala namang malisya sa kinikilos nito. He was doing that just for fun.
BINABASA MO ANG
Girl in Disguise
RomanceCharlie Alexis Devonne Eldridge, an eighteen-year-old heartthrob transferee college student. Silent type, matalino, gwapo, at mayaman. Pinapangarap ng mga girls. Who could have thought that he, one of the so-called hottest guy in campus is a girl? *...