GiD 6 - Persistent

4.1K 266 49
                                    

Ryker Keeran Ansleigh's FB account.

https://www.facebook.com/profile.php?id=100009579004993&fref=ts


****


GiD

Copyright © 2016

MidnightScarletSkye


****


Chapter 6 - Persistent



ALEXIS'S POV


"Hi!"


Mula sa pagbabasa ay umangat ang paningin ko sa tumabi sa aking kinauupuan. Dito ko piniling tumambay dahil tahimik. Makakapagbasa ako ng walang iistorbo. Pero mukhang mauunsiyame pa yata ang katahimikang inaasam ko today.


"Hi yourself stranger."


Ganting bati ko sa babaeng gumambala sa aking pagbabasa. At walang anuman kong ibinalik ang aking atensyon sa binabasa kong aklat at nagpatuloy sa muling pagbabasa. Akala ko aalis din agad ito dahil hindi ko na ito pinansin pa pero lumipas na ang limang minuto at naroon pa rin ito at nanatiling nakaupo sa tabi ko at hantaran ako nitong pinagmamasdan.


"Stop staring at me as if I'm some kind of a specie."


Mahina kong sabi sa babae ng hindi man lang inaalis ang aking tingin sa binabasa ko. Ayaw ko ng pakiramdam na may nagmamasid sa akin. Napaparanoid ako kapag ganoon at hindi ako kumportable. Nakangiti itong mapang-akit sa akin ng tapunan ko ito saglit ng sulyap. Lumipat ito ng pwesto but this time ay inukupa nito mismo ang kaharap kong bakanteng upuan.


"I was wondering, if you haven't recognized me."


"Honestly, yes. Why, have we met before?"


Shock itong tumingin sa akin. Naisip ko lang kung anong nakakagulat sa sinabi ko. Eh, sa iyon naman talaga ang totoo. Tinitigan ko ito ng maigi upang kapain sa sulok ng kanyang isipan kung saan ko nga ba ito nakita pero hindi ko talaga ito maalala.


"Actually, we've met the other day. You're with the royalties."


Royalties? Who are they? As far as I could remember I'm always with Darryl and no one else but him. So I was wondering who's royalties she was talking to.


Matabang nitong sagot. Halata naman sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang kaalamang hindi ko ito matandaan man lang.


She's popular here perhaps and yet I know nothing about her.


"I apologize then. I'm not good when it comes to faces."


The truth is, I'm good at remembering faces and names. It's just I do intentionally forget easily who they are kung hindi naman ako interesado sa isang tao o bagay. Mahaharot itong tumawa. Bigla ring umaliwalas ang mukha nito na kani-kanina lang ay nakasinmangot. Ini-extend nito ang kamay sa akin na inabot ko naman.

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon