GiD 21 - The Contest Night

3.1K 210 13
                                    

Finally, nakabalik na sya sa Chapter 21 kung saan accidentally kong nabura ang story ko after kong mag-update last June 25. After one month and fifteen days na pagreretype at pag-iedit ito na ulit sya. Abangan nyo guys yung mga bagong papasok na mga characters sa mga susunod na kabanata. Kung ano ang papel nila sa ating mga bida.


Anyways, binago ko yung copyright. Instead of 2015 ginawa ko na siyang 2016. 


***


GiD

Copyright © 2016

MidnightScarletSkye


****


Chapter 21 - The Contest Night


ALEXIS'S POV


The much awaited moment has come. Excited na ang lahat sa gaganaping contest. Heto nga at punong-puno na ang auditorium ng school. Inaabangan ang lahat ng kasali. Bawat isa ay may kanya-kanyang bet at may sari-sariling opinion kung sino ba ang tatanghaling winner sa event na ito. Habang nagkakagulo at hindi magkandaugaga ang lahat ng staffs at organizers ng event, ako naman ay walang pakialam na nasa loob pa rin ng sasakyan. Kanina pa panay ang tunog ng cellphone ko pero hindi man lang ako nag-abalang tingnan iyon o sagutin man lang ang nakakarinding ingay nito.


Nang tumigil sa pagriring ang cellphone ko, hindi ko rin natiis na hindi iyon tingnan at basahin ang mga text messages. Lahat ng iyon ay galing sa mga ka-club members ko. Even Darryl texted me and wish me good luck. Tumipa ako ng ilang salita para i-send kay Darryl pero nagbago rin ang isip ko at agad ko iyong binura. Hahayaan ko muna silang magpanic total naman they are the soul reason why I'm doing this. I'm just a replacement. Hindi ko ito tinanggap ng buong puso. Pero gagawin ko pa rin for the sake of the club. And for Darryl's sake too.


I will let them worry about me. Bibigyan ko sila ng alalahanin at hahayaan ko silang isipin na baka hindi ako dumating at baka dinaga na ang dibdib ko kaya mas minabuti ko na lang na huwag ng magpakita pa sa school kaysa naman mapahiya sa harap ng napakaraming tao. Yeah I know I can be an evil sometimes. This is my way of saying "don't boss me around" at bilang ganti ko na rin sa kanila. They forced me to dragged here so magdusa sila sa kabang umaalipin sa kanila ngayon. Actually, kanina pa ako dumating pero nanatili lang ako sa loob ng van at hinihintay ang oras ng simula ng event.


Five minutes before magstart ang event ay tinungo ko na rin ang auditorium. Pagpasok ko ang dami ng tao at hindi magkandatuto sa pagkikwentuhan kaya wala man lang nakapansin saking pumasok. Dumiretcho ako sa magsisilbing dressing room. Hindi ko na kailangang magbihis dahil ayos na ayos na ako bago pa ako umalis ng bahay. Lumipas ang ten minutes at sa wakas nagsimula na rin.


"Hey people! Are you ready for tonight's contest?"


Mula sa loob ng dressing room rinig na rinig namin ang dumadagundong na hiyawan sa labas. I can sense na tumataas na ang tensyon at ang anxiety level ng mga mga kasama ko sa loob. Natural na lang din siguro iyon lalo na at hindi sila sanay sa ganitong ayos. Ang nakabihis ng pambabae. Bukod sa mukha silang naaalibadbaran sa suot nilang sexy outfit, make up and those girls stuffs sa katawan, parusa pa ang suot nilang high heels. Gusto kong mahabag sa kanila.

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon