GiD 3 - The Chickboy

5K 252 58
                                    

Sage Ryuki Hayashi

FB: https://www.facebook.com/profile.php?id=100009231864980&fref=ts

Twitter: https://twitter.com/sage_ryuki

Page: https://www.facebook.com/hayashisageryuki/?fref=ts


****


Copyright © 2016

MidnightScarletSkye


****


Chapte 3 - The Chickboy


SAGE'S POV


Paglabas ko pa lang sa classroom namin ni hindi na mawala-wala ang ngiting nakapaskil sa aking mga labi. Sino nga ba naman ang hindi ngingiti ng ganito kalawak ng sa akin kung meron na naman akong nabighaning magandang babae. May bago kasi kaming kaklase at ang kagaya nito ang mga tipo kong babae kaya nga hindi ko na napigilan pang hindi ito kindatan at lapitan. Why, ang mga ganoong babae ang weakness ko. At kanina nga bago kami maghiwalay ay nakuha ko na ang number nito.


Psh. Wala na ba talagang makakatanggi sa charm ko? Haha. Hindi pa ipinapanganak ang babaeng magpapatino sa akin.


Malayo pa lang ako ay natanaw ko na ang isa sa mga kaibigan naming si Flynn na malapit sa may infirmary. Mas lalong naging malawak ang pagkakangiti ko ng makitang nakangiti rin si Flynn.


Ano kayang meron at mukhang masaya ang isang ito? Babae kaya ang dahilan? Hmm, teka nga at ng maasar. Hahaha.


Hindi nawawala ang pagkakangiti ko dahil mas lalo pa iyong lumawak hanggang sa makalapit ako ng tuluyan kay Flynn at nakipagbanggaan ng kamao. Ganoon na kasi ang nakasanayan naming batiang magkakaibigan simula ng maging kaibigan ko sila. Pero imbes na usisain ako nito dahil obvious naman sa pagkakangiti ko kung bakit masaya ako ay si Ryfer agad ang hinanap nito sa akin. Kaya mas lalo lang tuloy akong ginanahang asarin ito.


Asar talo naman dahil iniwan din ako agad nito. Mas lalo tuloy akong natawa. Mukhang nagmamadali itong puntahan ang kasintahan nito. Hindi ko na ito napigilan pang umalis. Alam naman namin kasing mahal nito ang girlfriend nitong hanggang sa ngayon ay hindi pa namin kilala kung sino. Tanging ako lang yata at ang twins ang mahilig makipaglaro sa mga babae. Dahil parehas na matino si Flynn at Zayden. And while Clyde, is-- ahm, hindi ko masabi kung isinumpa na ba nito ang lahat ng kalahi ni Eba.


Hay! May magagawa ba kaming tatlo ng twins kung noong ipinanganak kami at noong magsabog ng kagwapuhan ang nasa itaas ng langit ay gising na gising kami at maswerteng nasalo namin ang biyayang iyon? Aba! Dapat lang na sinusulit namin ang biyayang bigay at kaloob ng nasa itaas at hindi dapat na hinahayaang amagin. Marunong lang kaming mag-appreciate ng ganda ng mga kababaehan.


Aside from the fact na girls na mismo ang kusang lumalapit sa amin ay sila pa ang nagbibigay ng motibo sa amin. Kami pa bang tatlo ng twins ang aayaw sa grasya? Masama yatang tumanggi sa grasya dahil mahirap ng baka magtampo pa iyin sa amin.


"H'wag mo ng hanapin si Ryfer! Para ka namang bago ng bago sa isang iyon. Malamang sa hindi ay nasa labas na iyon nagliliwaliw at kasama ang latest fling niya."

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon