GiD 20 - Taking Responsibility

2.8K 203 20
                                    

GiD

Copyright © 2016  

MidnightScarletSkye


****


Chapter 20 - Taking Responsibility


ALEXIS'S POV


I wrinkled my forehead automatically when I didn't see Darryl sitting next to mine. Usually kasi nauuna pa sa aking pumasok. But today late yata ito. Inabala ko na lang ang sarili kong tanawin ang mga naglalakad sa ibaba ng building namin.


Mas kaaliw-aliw pa silang pagmasdan kaysa sa pakinggan ang mga kaklase naming walang humpay sa pagtsitsismisan. Para lang itong mga bubuyog na nagbubulungan. Ako naman patay malisya lang din sa kanila.


Dumating ang professor namin at natapos ang klase na walang Darryl na dumating. Mukhang mag-isa lang akong kakain ng lunch ngayon. Nakakapanibago tuloy. Medyo nasanay na rin kasi akong parating kasabay kumain si Darryl. At kahit nga saan ako pumunta siya lang ang kasama ko dito sa loob ng school premises. 


What could have possibly happened to him?


Nakisabay na lang akong bumaba sa mga kaklase namin para mag-lumch. Mamaya na lang ako dadaan sa club para tingnan kung nandoon si Darryl. Speaking of club, hindi ko alam kung paanong nangyari na kasali na pala ako doon. Basta ang natatandaan ko lang kapag pumupunta doon si Darryl, andoon na rin ako nakikitambay. Until one day, they announced na official member na rin daw ako.


Gusto kong tumanggi dahil wala naman talaga akong kabalak-balak na sumali sa kahit na anong club ng school. But seeing those eyes as if begging me to join them, hindi ko na lang naisatinig pa ang sana'y pagpuprotesta ko. Total wala naman akong gagawin, eh di pagbigyan. I soon then realized that I'm having fun with them, enjoying their company.


I immediately sat on a single sitter chair ng makapasok na ako sa cafeteria. Inilapag ko lang ang bag saglit tapos umorder na ako ng lunch ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng may umupo sa kabilang mesa malapit sa kinauupuan kong mesa. Hindi ko na sana papansinin pa kaya lang nakakarindi lang talaga ang ingay nila. Pakiramdam yata nila sila lang ang tao sa loob ng cafeteria. At pag-aari nila ang lugar na ito. At mukhang sinadya pa talaga nilang doon din pumwesto sa katabing mesa ko.


"Look who's here mga pare."


"Mr. Foreigner is here!"


"At himalang hindi sila magkasama ngayon ni Mr. Geeky Darryl."


"Ops! Hindi kaya wala na sila mga pare?"


Sabay-sabay pa silang nagtawanan. Obviously, umupo lang sila doon sa katabing mesa na kinauupuan ko just to spite me. No wonder kung bakit maraming naiinis sa mga ito. Mga walang magawa sa buhay kundi ang mameste ng pananahimik ng iba. Ano pa nga ba ang dapat asahan sa mga histrionic na grupo ni Mathew? Eh, sa doon sila magaling at masaya. Ang may mapesteng iba.

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon