GiD 24 - Her Name is Heavn Sachiko

3.2K 173 14
                                    

@Anna_Marie_Marata ito na yung request mong picture ni Alexis. Salamat at napagtyagaan mong basahin ang story ko. :-)


****


GiD

Copyright © 2016
MidnightScarletSky


****


GiD 24 - Her Name is Heavn Sachiko


ALEXIS'S POV


After ng class namin kanina instead na sa cafeteria ako tumungo kagaya ng nakagawian ko na kasama si Darryl, dito ulit ako pumunta sa lugar kung saan malayo ako sa maraming tao. Gusto kong mapag-isa muna ngayon. Ulit. Kahit ilang araw lang gusto kong mapag-isa. I just feel like lately I've been avoiding everyone and everything. I don't want to go out and I really only spend time with my so called circle of friends, my clubmates na hindi rin naman ako nagtatagal at umaalis sa pakikipag-umpok sa kanila.


Lately I've been feeling like crap. I'm tired all the time, everything is boring. I've always forced myself to socialize even though I don't usually want to. Pakiwari ko tuloy may avoidant personality disorder ako. Bumabalik ako sa pagiging anti-social ko, kagaya noong bata pa ako. Hindi ko naman ikinakailang ganoon ako dati. You can't blame me. Iba ang paraan ng pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko kaysa sa ordinaryong mga bata. Hindi ko naranasang mabuhay kagaya ng isang normal na bata. Iyong walang ibang inaalala sa buhay kundi ang matulog, kumain at maglaro. Iyong mag-enjoy lang sa pagkabata. Ang lahat ng ginagawa ko ay dahil iyon ang dapat. 


Puro matatanda ang mga nakakasalamuha ko. Kung may mga bata man akong nakakahalubilo, iyon ay sa wala kaming ipinagkaiba. Parehas ng katayuansa buhay. Sa lipunang aming ginagalawan. I have a tendency to avoid pretty much everyone around me, even my own family members. It's not that I don't like them, it's just that sometimes I start feeling like I don't want to be feeling like I don't want to be around them. 


Kaya masisisi niyo ba ako kung lumaki akong loner? Anti-social? My entire life naging routine ko na iyon. Instead na maglaro, aklat ang hawak ko. Maagang namulat sa realidad sa lipunan. Kung anong kalakaran ng politika. At mas lalo ko iyong naintindihan ng mawala sa mundong ibabaw ang aking mga magulang. Na hindi ko dapat pinapairal ang emosyon. Na sa panahon ngayon, huwag magtitiwalang basta-basta sa kung sinu-sino lang. Dahil kung hindi ay maaari ko ring sapitin ang kagaya ng sinapit ng aking mga magulang. Nagtiwala na but they betrayed them. Dahil hindi lahat ng mga taong kaharap mo at nakangiti ay totoo. Dahil ang iba sa kanila ay nagkukunwari lamang. Mapagbalat-kayo. Mapagpaimbabaw.


Isa lang naman talaga ang naging kaibigan ko during my grade school and high school. Everytime na papasok ako sa school, pakiwari ko ay may kasama akong halimaw. Why should I say so? Ni wala man lang nagtatangka sa aking lumapit para kausapin ako. Lahat sila ilag sa akin kahit ako na ang gumagawa ng way para makipagkaibigan. Siguro dahil na rin sa nag-aalangan sila sa mga bantay na nasa malapit lang sa akin na daig pa ang mga gwardya sibil kung makapagbantay.


I never had friends. Actually mayroon naman pala akong friend na isa. And that's Rhiane. Napangiti ako ng maalala ito. Bigla kong na-miss ang kakulitan nito. Na kahit pinagsusupladahan ko na lapit pa rin ito ng lapit. Kaya ang kinalabasan hindi ko ito napahindian ng makipag-kaibigan ito sa akin. Hindi ko na alam kung nasaan na ito. Two years na rin akong walang balita dito. Ang huling balita ko dito ay nasa Canada na ito dahil lumipat sila ng bahay. Kaya tuluyan na akong naging mukhang autistic dati. Kung hindi pa ako nalipat dito, hindi ko pa mararanasan kung paano mabuhay ng ordinaryong studyante. Ang magkaroon ng mga kaibigan. At kahit ang mapag-initan ng kagaya ni Mathew.

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon