GiD
Copyright © 2016
MidnightScarletSkye
****
ALEXI'S POV
I'm just sitting here watching the birds flying around the tree right in front of me. I'm bored to death. Gusto ko sanang magbasa-basa ng kahit ano para hindi ako nababato dito ngayon ang problema nga lang ay tinatamad din akong gawin iyon. Inatake na naman ako ng pagkabored. Hindi ako sumama kay Darryl na pumunta sa quarter's club dahil ayaw ko munang makita si Caitlyn. Until now kasi hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nitong pagmanipula sa akin the other day.
I absent mindedly raised my left arm and I looked up into the clear, blue sky and imagined a thick plume of smoke drifting across it from the clouds. Ang dami kong nakikitang hugis sa mga ulap. I smiled gently ng maalala ko na madalas naming gawing past time ng kuya ko ang magparamihan ng makikitang forms mula sa mga ulap.
"Grand frère. Mon frère ainé."
Mahina kong sambit. I smiled bitterly when I remembered those happy moments with my older brother and we laughed about our little stupidity.
"Mère, Père."
How I miss my family terribly. Sana nandirito sila. Sana buhay pa sila. Hindi ko na napigilang hindi tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Kahit matagal ng nangyari iyong pinakamapait na bahagi ng buhay ko, pakiramdam ko kahapon lang iyon naganap. I brushed the tears off on my face ng muli iyong umalpas sa aking mga mata. Minsan tinatanong ko, kung bakit kailangang sa akin pa iyon mangyari? Hindi naman mahalaga sa akin ang lahat ng materyal na bagay na tinatamasa ko basta ang mahalaga yung family ko.
Pero kung ano pa yung pinakagusto ko, iyon pa ang kinuha sa akin. Tama nga siguro na hindi lahat ng bagay sa mundo ay makukuha natin. Malalim akong napabuntong-hininga. Medyo gumaan din ang pakiramdam ko ng mailuha ko saglit ang bigat na nananahan sa dibdib ko. Matagal ko na rin iyong kinikimkim ang sakit ng mag-isa.
Ilang beses akong lumanghap ng hangin upang payapain ang sarili ko. After the minutes pass I compose myself as I stand up and decided to take a short walk around. After a couple of minutes nang paglalakad ko ng makita ko naman si Clyde na naglalakad na tila walang pakialam sa mundo. I mean sa mga babaeng nasa paligid nito. Napahinto rin ako sa paglalakad. I can't decide kung dideretcho ako sa paglalakad at lalagpasan ko na lang ito o sa kabila na lang ako dadaan.
Bigla kasi akong kinabahan ng makita ko ito. Naalala ko yung trip last weekend. Muntik lang naman akong makita ni Clyde sa babaeng itsura. Nakaramdam kasi ako nang pagkauhaw kaya bumaba ako para uminom ng tubig. Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang sarili ko. Basta ko na lang isinuot ang robe na pinahiram sa akin saka dali-dali akong bumaba at tinungo ang kitchen. Pabalik na sana ako sa silid na inilaan para sa akin nila Caitlyn ng makita ko naman si Clyde galing labas.
Daig ko pa ang isang magnanakaw na nag-ala ninja sa pagtatago. Halos pagkasyahin ko na nga yung sarili ko sa isang maliit na spasyo para lang hindi ako makita ni Clyde. Halos dalawampung minuto rin akong nagtiis at nangawit sa pwesto kong iyon bago naisipang umalis ni Clyde ng gabing iyon. Sinubukan kong pantayan si The Flash nang takbuhin ko ang silid ko ng makaalis si Clyde. Hingal kabayo lang naman ako pagdating ko sa loob ng kwarto. Muntikan na ako kung hindi ko ito agad napansin.
BINABASA MO ANG
Girl in Disguise
RomanceCharlie Alexis Devonne Eldridge, an eighteen-year-old heartthrob transferee college student. Silent type, matalino, gwapo, at mayaman. Pinapangarap ng mga girls. Who could have thought that he, one of the so-called hottest guy in campus is a girl? *...