GiD 12 - Their Challenge

3.6K 239 31
                                    

GiD

Copyright © 2016

MidnightScarletSkye


****


Chapter 12 - Their Challenge


DARRYL'S POV

Hindi kami makapaniwalang dalawa ni Alexis sa mga nasaksihan ng aming mga mata. Kinailangan ko pang kusutin ang aking mga mata para lang siguraduhing hindi ako nananaginip o kaya namamalikmata lang. Hindi ko alam na ganito pala ang grupo ng royalties. Not until we saw them acting like a kids. Not worrying about anything, without a care in the world basta magawa lang nila ang gusto nila. Kung saan sila kumportable. Para itong mga ibon na ng magawang makalabas sa matagal na pagkakakulong sa kanilang hawla ay malayang ipinagaspas ang mga pakpak sa himpapawid. Kilalanh intimidating ang mga royalties kaya nga maraming nangingilag sa kanila. Natatakot na sila ay banggain. At aaminin kong isa na ako sa mga iyon.


I couldn't believe it not until I have seen it with my own two eyes. I thought sila ang typical na royalties sa literal na salita. Kung titingnan mo sila ngayon, parang natural na lang iyon sa kanila. Pinipigilan ko lang ang matawa, nagkukulitan kasi sila Sage, Flynn at Zayden. We've been here for a couple of minutes but it seems no one notice us, that we arrived.


Si Zayden ang unang nakapansin sa amin na dumating kaya tumigil na rin ito sa pakikipagkulitan kila Sage at Flynn. Ilang beses itong tumikhim para tawagin ang atensyon ng dalawa pero nagpatuloy lang ang mga ito sa pagpapambuno sa isat-isa. Hindi alintana ang aming presensya. Kung hindi pa nga mismong si Ryfer ba o si Ryker ang nagsalita, Basta isa sa kanila ang nagsalita kaya natigil iyong dalawa sa pagkukulitan. Basta isa sa hindi ko masabi kung sino sa twins. Kaya nga mas lalo akong bumilib kay Alexis dahil tama daw ito ng sabihin nito kung sino sa kambal si Ryfer at sino naman si Ryker. Sa tingin ko naman kasi wala namang pinagkaiba ang itsura ng twins. Sa mukha, sa taas, sa boses at sa mga expressions. Kaya hindi ko alam kung paanong nasabi ni Alexis na sa looks lang sila magkapareho? At magkaiba daw ang boses at sa mannerisms. I don't see any difference between the twins.


Saka pa lang natigil ang dalawa ng makita kaming nasa tabi ng twins. Obvious na nasurprised sila na makita kaming nandito rin ni Alexis kasama ng twins. Hindi rin nakaligtas sa akin ang biglang pagkatense ni Zayden sa presensya namin. Mas lalo na si Sage. Bakit hindi? The first day pa lang na nagkakila-kilala sila sa cafeteria alam ko ng magiging threat sa kanila si Alexis sa pagiging popular ng royalties sa campus. Ilang beses na bang napatunayan iyon ni Alexis kahit sabihin pang sa bawat pagkakataong iyon ay hindi niya naman sinasadyang makatawag ng pansin sa iba. Ilang beses na itong nasa gitna ng spot light. The good thing about Alrexia is, kahit na dinudumog na siya ng girls ay wala pa rin siyang pakialam kung ganoon na siya kasikat sa mga girls at sa mga naghahabol sa kanya. Masasabi kong para lang din itong si Clyde na walang kainte-interes sa mga babae. Namumukod tangi ito sa anim na royalties.


Hindi ko nga alam kung bakit naisama-sama pa kami dito ng twins. Sa tuwa siguro ng mga ito kay Alexis kaya pati ako nakaray na rin. Sa totoo lang first time kong makarating dito. Ni sa hinagap hindi ko naisip na tumuntong man lang dito. Simula pa lang ng mapasok ako sa University na to ay naririnig ko ng usap-usapan na ang tungkol sa mva royalties. Natatawa pa nga ako noong una. Ang akala ko kasi mga royal blood, hindi naman pala. At naisip ko ring masyado lang talagang exaggerated ang mga tao dahil sila na mismo ang naglagay sa mataas na pedestal sa anim. But I soon found out na hindi naman pala biro ang mga angkang kinabibilangan nila. Sila lang naman anh pinakamayayan sa school namin.  At hindi biro ang isang elite school. Ayaw ko ng isipin kung gaano kalaki ang network of assets ng family nila. Kaya naiintindihan ko na kung bakit sila tinawag na royalties.

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon