GiD
Copyright © 2016
MidnightScarletSkye
*****
Chapter 23 - That's Her!
ALEXIS'S POV
Ang sinag ng araw na lumalagos sa salaming bintana ng aking silid ang nakapagpagising sa akin. Muli kong naipikit ang aking mga mata ng masilaw ako ng liwanag. Gusto ko pang matulog. Hindi ko alam kung anong oras na ba ako nakauwi kagabi. Halos wala ng balak ang mga kasama ko sa club na pakawalan pa ako kagabi after ng event. Nagulat na lang ako pagdating namin sa club room may naghihintay sa aming party. Ganoon sila kasiguradong kami ang mananalo.
Mahihinang mga katok na nagmumula sa labas ng aking silid ang muling nakapagpamulat ng aking mga mata kaya kailangan ko na talagang bumangon mula sa pagkakahiga. Napaungol na lang ako ng may pumitik na kirot sa sentido ko. Tanda ng hang over. Hindi ko na maalala kung nakailang shots ako kagabi. Hanggang three shots lang naman talaga ang iniinom ko pero kagabi hindi ko natanggihan ang mga inaabot sa aking drinks nila Caitlyn.
Kahit nahihilo, pinilit ko pa ring tumayo. I go straight to the bathroom to brush my teeth and to wash my face. Kinuha ko ang nakasabit na robe at saka isinuot iyon. As I comb my hair with my fingers, tinungo ko ang pinto upang buksan iyon.
"What?"
"You have an appointment at two o'clock today Maîtresse."
"I know."
Balak kong isarang muli ang pinto ng mapatingin ako kay Ken. May gusto pa yata itong sabihin pero hindi naman isinasatinig.
"What else?"
"Mas mabuti po kung maghahanda na kayo. Baka po kasi mahuli tayo."
"Two o'clock pa naman ang meeting di ba? Masyado pang maaga."
"But Jeune Maîtresse, it's already twelve in the afternoon at dapat na po kayong kumain. Your lunch is ready."
Bigla akong napatingin sa relong nasa bed side table ko. At ayon nga sa relong nakapatong doon ay sinasabi nitong alas dose na nga. Ganoon ako katagal na nakatulog. Sabagay umaga na rin naman akong nakauwi.
"Okay. Wait for me downstairs. I'll be quick."
I took a quick cold bath para naman tuluyan ng magising ang buong diwa ko and immediately dressed up. Nang makontento ako sa itsurang nakikita ko sa repleksyon ng salamin saka ako bumaba. Dinaanan ko lang ang mga nakahilera at nakayukong mga tagapagsilbi. Bagamat nag-iwan ako ng isang pormal na tango sa kanila bago ko tinungo ang kumidor. Agad namang hinila ni Ken ang upuan na para sa akin ng makita ako nitong papasok na ng pinto.
BINABASA MO ANG
Girl in Disguise
RomanceCharlie Alexis Devonne Eldridge, an eighteen-year-old heartthrob transferee college student. Silent type, matalino, gwapo, at mayaman. Pinapangarap ng mga girls. Who could have thought that he, one of the so-called hottest guy in campus is a girl? *...