Author's Note:
Hi guys! Kumusta naman ang Christmas at New Year niyo? Sana walang nasaktan sainyo at natamaan ng paputok.Sorry sa mga naghintay ng matagal sa update na 'to. Gomen minna.
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
ALEXIS'S POV
Hindi magkamayaw ang lahat sa nagaganap na dating auction. Isa lang naman ako sa mga nakahilera sa mga iu-auction. Ang huli kong natatandaan ay nagmamatigas si Darryl na h'wag kaming mapasali sa list. Pero dahil na rin sa likas na charm ni Caitlyn kaya pati si Darryl ay hindi na nakatanggi pa.
Nakakatawa lang dahil halata namang inaartehan at dinadramahan lang ni Caitlyn si Darryl kaya hindi ko maintindihan kung bakit dalang-dala naman si Darryl sa dramang iyon. Sabagay, ito ang tipo ng tao na ayaw ng nakakakita ng babaeng umiiyak.
Naiinip na ako. Hanggang kailan ba ako maghihintay para tawagin naman nila. I leaned back, letting my head rest against the cold wall, and dozed off. Total naman mukhang matagal-tagal pa ang hihintayin ko.
Naalimpungatan lang ako ng makarinig ako ng tila nagkakaingay. Sa nanlalabo ko pang paningin ay inilibot ko sa waiting room iyon. Napatuwid ako bigla ng likod ng wala na akong makita ni isang kasama sa loob.
Saan na sila nagpunta? Tapos na ba ang auction? Gaano ba ako katagal na nakatulog? Darn! Malalagot ako kay Caitlyn nito for sure.
Inayos ko ang damit kong medyo nalukot at tumayo para lumabas na ng waiting room. Paglabas ko ng pinto nandoon yung royalties at nagtatawanan malapit sa may back stage. I was wondering what are they doing here but then I pause for a while and sighed.
Malamang kasali rin sila sa auction date. Pero bakit kulang yata sila ngayon?
Hindi ko makita si Clyde at ang twins. Napangiwi na lang ako ng dumagundong ang malakas na sigawan. Napatingin din ako sa may hagdan kung nasaan ang paakyat ng stage.
"Hey, gising ka na pala Alexis."
Sinalubong ako ni Sage ng isang ngiting kinahuhumalingan ng mga babae. Isang matipid lang na tango ang aking iginanti dito bilang pagbati ko rin dito.
"Mukhang tapos na sila. Sino na kayang susunod?"
"Tapos na? Sila? Sino?"
Sunod-sunod kong tanong kay Sage. Biglang nablangko ang utak ko. Ito ba ang nagagawa ng bitin sa tulog? Imbes na si Sage ang sumagot ng tanong ko sila Flynn at Zayden ang sumagot niyon.
"Iyong twins ang tinutukoy ni Sage. Sila kasi 'yung nakasalang ngayon sa stage."

BINABASA MO ANG
Girl in Disguise
RomanceCharlie Alexis Devonne Eldridge, an eighteen-year-old heartthrob transferee college student. Silent type, matalino, gwapo, at mayaman. Pinapangarap ng mga girls. Who could have thought that he, one of the so-called hottest guy in campus is a girl? *...