GiD
Copyright © 2016
MidnightScarletSkye
****
Chapter 15 - Interrupted
RYKER'S POV
Naglalakad ako sa hallway ngayon. Dahil wala na akong klase at maaga pa naman, magliliwaliw muna ako dito sa loob ng campus. For sure marami akong makikitang chikababes na nagkalat around the campus. Ang lawak ng pagkakangiti ko sa isiping iyon. Malapit na ako sa may hagdan ng makita ko sa kabilang pasilyo si--teka, sino na nga ba siya? Hindi ko na siya maalala. Ang mukha na lang nito ang familiar sa akin.
Kaya imbes na dumiretso ako, bumalik na lang ulit ako ako kung saan ako nanggaling kanina. Doon na lang ako sa kabila dadaan para bumaba. Kahit mas malayo ang lalakarin, mas okay na rin iyon kaysa naman makaharap ko pa iyong babaeng nakita ko. No way! She was a total danger.
Nakarating naman ako ng maayos sa baba. Nagpalinga-linga pa ako para makahanap ng magandang pwesto, kung saan makikita ko ang mga girls na magdaraan. Sumilay na naman anh isang matamis na ngiti mula sa aking mga labi ng makita ko ang dalawang magandang babae. Tiyak na maiinggit ko na naman nito mamaya sila Sage at ang kambal kong si Ryfer. Kahit pa ang totoo niyan ay malabo namang mangyari. Pang-asar ko lang naman talaga iyon sa dalawa.
Naglakad na ako papalapit sa dalawang babae, nakita ko kasing papalihis sila sa direksyon ko. Pero hindi pa man ako nangangalahati sa paghakbang ko, may mga kamay ng pumulupot sa bewang ko. Kung mamalasin ka nga naman talaga o. At bakit ngayon pa? Kung kailan ko naisipang mambabae. Naman!
"What the heck?!"
Kinalas ko ang mga bisig na dinaig pa ang linta at gecko sa pagkakakapit sa katawan ko. Tiningnan ko kung sino ang pangahas na iyon pero napangunot lang din ako ng noo ng hindi sa oras. Sino ba naman kasi itong babaeng ito? Hindi ko naman kilala. Kahit sa mukha hindi rin. Pilit kong kinakapa sa kasulok-sulukan ng utak ko kung sino ba talaga ang babaeng ito pero bigo akong gawin iyon. I know for sure na ngayon ko lanh ito nakita.
"Yes Miss? Do I know you?"
Imbes na sagutin nito ang tanong ko, nagulat na lang ako ng bigla itong bumalahaw ng iyak. Impit akong napamura. May nakakaiyak ba sa tanong ko? Gusto ko ng ihagis amg babaeng ito, kung maaari ko nga lang gawin iyon. Natataranta na ako kung papaano ito patatahanin. Bakit ba kasi ito umiiyak? Wala naman akong ginagawang masama ah? Kainis!
"Hey! Why are you crying? Tinatanong lang naman kita kung kilala ba kita? May nakakaiyak ba sa sinabi ko?"
Sa wakas naisatinig ko na rin ang kanina pa gumugulo sa isipan ko. Panira naman kasi ng araw ang babaeng linta na ito. Paano na lang pala kung may ibang makakita sa aming dalawa at kung anopa ang isipin? Malamang iisipin agad nilang ako ang may kasalanan at nagpaiyak dito. Bawas pogi points din iyon. Binigyan ko ito ng naiinip na tingin. Sa pasinok-sinok na paraan ay nagsalita ito kahit ang totoo niya wala ako mawawahan sa mga sinasabi nito.
"Pwede bang pakiayos mo naman ang pagsasalita mo? Hindi ka naman siguro ngongo di ba? At mas lalong hindi ka naman siguro bulol."
BINABASA MO ANG
Girl in Disguise
RomanceCharlie Alexis Devonne Eldridge, an eighteen-year-old heartthrob transferee college student. Silent type, matalino, gwapo, at mayaman. Pinapangarap ng mga girls. Who could have thought that he, one of the so-called hottest guy in campus is a girl? *...