GiD
Copyright © 2016
MidnightScarletSkye
****
Chapter 16 - Lunch Date
FLYNN'S POV
Nagmamadali akong makababa ng department building namin dahil sabay kaming maglalunch ng sweetheart ko. Hindi naman ako excited na makita sita di ba? Obviously, yes. Eh ano naman? Everyday man kaming nagkikita, hindi naman kami matagal na nagkakasama. Kasalanan ko ba kung namimiss ko na ang girlfriend ko? Hmm, girlfriend. Sarap isiping may inspirasyon ako sa buhay, lalo na sa studies. Mas lalo akong ginaganahang mag-aral.
Nasa baba na ako and I was waiting for my Bridget Caitlyn to come when I saw Ryker, I supposed. How would I say so that he's Ryker? Well, from the looks of it, I mean, base sa nakikita kong reaction nito sa harap ng babaeng kausap nito ngayon, wala ng dudang si Ryker nga ito at hindi si Ryfer. Tanging ito lang kasi ang medyo hindi kumportableng makakita ng babaeng umiiyak between the twins. And if that was Ryfer, malamang kanina pa ito nakaalis sa paningin ng babae.
Poor Ryker. Sorry dude, hindi kita matutulungan ngayon. Wrong timing ka naman kasi eh. Kung kailan namang may date ako with my girlfriend.
Napangiti naman ako ng makita kong paparating na ang girlfriend ko. Hindi na ako naghintay pang makalapit ito sa kinatatayuan ko dahil ako na mismo ang sumalubong dito. Sabay kaming naglakad papuntang cafeteria habang nakaakbay ako sa kanya. Tama lang ang pagdating namin dahil konti pa lang ang mga kapwa namin students na kumakain.
Iniwan ko muna ito saglit para bumili ng makakain namin at pagbalik ko may kasama na itong iba sa table namin at masayang nakikipagkwentuhan sa kung sinumang Pontio Pilato. Seryoso? Nakikipagtawanan siya sa ibang lalake habang andito lang din ako sa loob ng cafeteria? Hindi ko makita ang mukha ng lalake dahil nakatalikod ito sa akin. May selos na gumapang sa pagkatao ko ng makitakong masayang tumatawa ang girlfriend ko courtesy ng lalakeng nasa table namin. From that very moment, I have this urge to punch that guy whose behind those laughters.
Muntik ko na ring maihampas ang dala-dala kong dalawang tray at sabihin sa kung sinumang impaktong kausap ni Caitlyn na "Hoy pangit! Girlfriend ko yan!" pero hindi ko ginawa bagkus pilit kong hinamig ang sarili ko. Hindi gugustuhin ng girlfriend ko na umakto akong ganoon. Isa pa, ano na lang ang sasabihin ng iba? Naturingan pa naman akong isa sa binansagan ng royalties. Makakaladkad ko pa ang pangalan ng mga kaibigan ko kapag ginawa ko iyon. Normal akong naglakad papunta sa table namin.
Psh. Another nerd again.
Nakasalamin kasi yung lalakeng kausap ni Caitlyn ng makita ko ang gilid ng kabuuan nito. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng mapagsino ko ng malinaw ang itsura nito. Si Darryl lang pala. Akala kokung sino ng impakto. Inilapag ko ang dala kong tray at sakaumupo sa kaibayong upuan.
"Oishi, this is Darryl. We're clubmates. Dar--"
"Magkakilala na kami."
Agad kong sinawata ang ano pang sasabihin ni Caitlyn para ipakilala kami ni Darryl sa isat-isa. What for? Eh, narinig ko ng magkasama sila sa club na sinalihan nila. At sapat na iyon para malaman ko kung bakit sila magkakilalang dalawa. Besides, kilala ko naman na si Darryl. Nakangiti kong tinapik ang balikat ni Darryl, gumanti naman ito ng isang matipid na tango sa akin.
BINABASA MO ANG
Girl in Disguise
RomanceCharlie Alexis Devonne Eldridge, an eighteen-year-old heartthrob transferee college student. Silent type, matalino, gwapo, at mayaman. Pinapangarap ng mga girls. Who could have thought that he, one of the so-called hottest guy in campus is a girl? *...