GiD
Copyright © 2016
MidnightScarletSkye
****
Chpter 19 - I'm Doomed
CLYDE'S POV
Lunes na pero hindi ko pa rin talaga makalimutan iyong nakita kong babae the other day. I don't know what's with her pero nanatiling nakapagkit sa isipan ko ang itsura nito. Lalo na ang kulay ng mga mata nito.
Damn! Daig ko pa ang nagayuma nito.
"Dude, something wrong?"
"Hah?"
Mukha akong tangang napatingin kay Flynn. Pagtingin ko sa iba naming mga kaibigan, nakatingin na rin silang lahat sa akin. Makailang beses akong lihim na napamura. Ito ang unang beses na parang wala ako sa aking sarili. At sa harap paman din ng mga kaibigan ko.
"You're spacing out Clyde."
"May problema ba?"
"Ayos ka lang pre?"
"Kung masama ang pakiramdam mo, you better take a rest at kami na lang ang bahala dito. Update ka na lang namin sa mga mapapag-usapan."
"Oo ng Clyde. Baka masyado mo ng inaabuso ang katawan mo. Magpahinga ka rin. Hindi ka pa nga nakaka-graduate, inaako mo na ang responsibility sa business nyo."
Ramdam at kitako sa kanila ang concern nila sa akin. Gusto kong ma-guilty. Baka masapok pa nila ako kaysa sa mag-alala kung malalaman lang nila na maayos naman ang pakiramdam ko. Actually, I never acted this way before. At baka ulanin pa ako ng tukso sa tatlong pinakamalakas mang-asar saaming anim. Bago pa man humaba ang mga haka-haka nila sa pakiramdam ko ay tumayo na ko.
"Sige magpapahinga na lang muna ko. Kayo na lang muna ang bahala dito."
"Sige dude."
Lumabas ako ng cabin at saka umakyat sa Tower building ng school. Sa rooftop muna ako magpapahangin. Pakiramdam ko kasi kulang lang ako sa pahinga katulad ng mga sinabi ng mga kaibigan ko. Baka sakaling after kong makapagpahinga mawala na rin ang gumugulo sa isip ko.
****
SAGE'S POV
"Okay lang ba yun si Clyde?"
"Magiging okay din yun."
Natapos na kami sa meeting namin. Nag-aalala kami kay Clyde. Ngayon lang kasi nangyaring wala ito sa kanyang sarili at parang lumilipad ang isip nito sa kung saan. Sa dami kasi ng sinabi namin nanatili lang itong tahimik. Akala ko nga nakikinig lang ito. Saka lang namin napansing hindi nakikinig ng ilang beses itong tawagin ng Zayden parahingin ang opinion nito. Nagkatinginan na lang tuloy kami. Kung hindi pa ito kalabitin ni Flynn ay hindi pa yata ito magigising sa pagkakaidlip sa dako pa roon.
BINABASA MO ANG
Girl in Disguise
RomansaCharlie Alexis Devonne Eldridge, an eighteen-year-old heartthrob transferee college student. Silent type, matalino, gwapo, at mayaman. Pinapangarap ng mga girls. Who could have thought that he, one of the so-called hottest guy in campus is a girl? *...