Clyde Keir Allen
FB: https://www.facebook.com/profile.php?id=100006750018680&fref=ts
Page: https://www.facebook.com/clydekeir.allen/?fref=ts
Twitter: https://twitter.com/clyde_keir
****
GiD
Copyright © 2016
MidnightScarletSky
****
Chapter 1 - The Rumor
CLYDE'S POV
"Nabalitaan niyo na ba girls ang latest?"
"Anong latest na naman ba yang nasagap mo ha?"
"Alam mo ikaw, kahit kailan talaga girl napaka mo."
"Oo nga. Napaka mo. Napakatsismosa!"
Sabay na sabi nung dalawang babae sa kaibigan nila. At saka sila nagtawanan ng malakas. Umapir pa sa isat-isa ang dalawa.
"Ano ba naman kayong dalawa! Hindi niyo pa nga naririnig kung ano yung ikikwento ko eh ang dami niyo na agad sinabi diyan."
Mula sa tatlong babaeng mga studyante ng University na pinapasukan ko ay rinig na rinig ko ang mga sinasabi nito. Naiirita na ako sa mga babae. Kung ayos lang sanang ipagtabuyan ko ang mga babae ay kanina ko pa sana ginawa.
Kaya nga dito ko napiling pumunta sa lugar na ito dahil ang akala ko ay tahimik at makakapagpahinga ako. Plus makakaiwas pa ako sa mga babaeng dinaig pa ang mga bubuyog sa ingay na mga wala yatang ginawa sa buhay kundi ang pestehin ang pananahimik ko ever since I moved here. Akala ko lang pala tahimik dito. Pero yung totoo ay hindi.
"Tsk girls!"
Frustrated na sumandal ako sa malaking puno. Patuloy pa rin sa malakas na pagkikwentuhan ang mga babae na panaka-naka'y naghahagikhikan pa na mas lalo kong ikinairita. Nakakita ako ng maliit na bato at pasimpleng ihinagis iyon malapit sa mga babae.
"Ay! Kalabaw!"
"Ano ka ba?! Huwag ka ngang manggulat!"
"Eh, kasi naman. Akala ko kung ano na yung nalaglag. Nagulat lang ako."
"Yan ang napapala ng mahilig uminom ng kape."
"Sorry naman girl."
Napailing na lang ako sa mga narinig at nakita kong reaksiyon ng mga babae.
Psh! Mga babae nga naman talaga, ang aarte. As expected.
Naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa aking mukha dahil sa pagkainis na nararamdaman ko sa mga babae.
Hindi pa kaya sumasakit ang mga lalamunan nila? Ako kasi kanina pa naririndi sa kanila. Tsk kanina pa sila dumadaldal.
"So ano na nga pala yung sasabihin mo ulit sa amin?"
"Ah yun ba? Huwag na nga lang hindi naman kayo interesado kaya kalimutan niyo na lang yung sinabi ko kanina."
"Asus! Nagtampo pa ang ale. Sige na nga at sabihin mo na. All ears na kami ngayon. Dali na!"
![](https://img.wattpad.com/cover/43112985-288-k609841.jpg)
BINABASA MO ANG
Girl in Disguise
RomanceCharlie Alexis Devonne Eldridge, an eighteen-year-old heartthrob transferee college student. Silent type, matalino, gwapo, at mayaman. Pinapangarap ng mga girls. Who could have thought that he, one of the so-called hottest guy in campus is a girl? *...