GiD 28 - Agonizing Feeling

2.7K 135 5
                                    

ALEXIS'S POV


Napahinto ako ng makita kong mag-isang naglalaro sa soccer field si Clyde. Ang ibang team mates niya nasa may bench lang nakaupo habang ang iba naman ay nakasalampak na nakaupo sa sahig at pinanunuod lang si Clyde na halatang aburido base na rin sa pagsipa nito sa bola papuntang goal.


Tama ba ako kung sasabihin kong galit na galit ito ngayon? Bukod kasi sa madilim ang mukha nito, kita ko rin ang nagngangalit na mga panga nito. Mukhang ang bola ang napagbalingan nito ng galit. Kug magagawa lang magsalitang bola malamang kanina pa umiyak yun.


Napangiwi ako ng maisip ko yun.Ihahakbang ko na lang ang aking mga paa paalis ng may umakbay naman sa akin. Napatingin ako sa may-ari ng brasong nakapatong sa balikat ko. Ang nakangising si Ryker ang sumalubong sa akin.


"Hey!"


Bati nito sa akin kaya gumanti rin ako ng bati dito.


"Hey!"


"What are you doing here?"


Tanong nito sa akin. Nag-alangan ako kung paano ko sasagutin iyon. Napadaan lang naman kasi ako dito.


"Relaxing?"


Sagot ko sa patanong na tono. Bigla akong napatingin sa likuran namin ni Ryker ng may biglang humagalpak ng tawa. Si Ryfer. Para itong batang tuwang-tuwa sa hindi ko malamang dahilan.


"Ano ka ba twin, ano ba namang klaseng tanong yun?"


"Anong mali sa tanong ko twin?"


"Sa tingin mo, bakit kaya nandito ngayon si Alexis?"


"Hmm, ang sabi niya sakin kanina relaxing daw twin."


Hindi ko sila napansing dalawa kanina. Ganoon na ba ako katagal na nanunuod kay Clyde? Sana lang wala silangisiping hindi maganda tungkol sa akin. I mean, hindi nila masamain at lagyan ng malisya.


"Nakapag-relax ka naman ba Alexis sa kapapanuod kay Clyde?"


Muli kong naibalik ang atensyon ko kay Ryfer ng muli itong magsalita. Bakit ba pakiramdam ko may halong panunudyo sa boses nito?


"I guess so."


"Talaga? Kami kasi sumasakit na ang mga mata namin kapapanuod sa kanya."


"Look at him, nagmumukha na naman siyang dragon."


Napatingin ulit ako kay Clyde na pinanggigigilan ang kawawang bola. Actually, nagtataka rin ako. Ngayon ko lang kasi nakita na ganyan ang itsura niya. Nasanay na akong laging poker face lang ang mukha nito everytime na makikita ko siya.


Gusto kong malaman kung bakit pero may kung anong pumipigil sa akin. Sabagay ano ba naman ang pakialam ko sa kanya. Ni hindi naman kami close. Kung yung mga kaibigan niya nga mukhang ayos lang sa kanila eh ako pa kaya na bago lang sa school. Naisip kong baka naghihintay na sa akin sila Darryl kaya kailangan ko na ring umalis.

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon