GiD 25 - Surprise Trip

2.8K 163 13
                                    

GiD

Copyright © 2016
MidnightScarletSkye


****


GiD 25 - Surprise Trip


ALEXIS'S POV

I didn't sleep much that night. When the sun came up, I was awake, so I got up, took a shower. I go downstairs to eat some breakfast. Kaunti lang naman ang nakain ko dahil 'di naman talaga ako kumakain ng heavy breakfast.


Nagpahatid lang ako kay Ken sa address na ibinigay sa akin nila Caitlyn. I don't have the slightest idea kung saan mang panig ng Pilipinas ang lugar na pagkikitaan ng buong members ng club. Ni hindi ko nga alam na may meeting daw pala kami. Wala naman kasi silang nabanggit kahapon ng magkita-kita kami sa club. Kung kailan naman patulog na ako kagabi saka naman tumawag si Caitlyn para sabihin ang lakad na ito.


Dapat pala sumabay na lang ako kay Darryl.


"Malayo pa ba Ken?"


Hindi ko na napigilang hindi magtanong kay Ken. Malayo-layo na rin kasi ang nababyahe namin at may twenty minutes na rin iyon. Actually, naiinip na ako sa pagkakaupo dito sa loob ng sasakyan.


"Malapit na po, Maîtresse."


Naging kainip-inip ang mga sandaling nagdaan. Kung kailan naman ako medyo inaantok saka ko naman naramdamang tumigil na ang sasakyan. Napatingin ako kay Ken.


"We're here, Maîtresse."


Bumaba ito at ipinagbukas ako ng pintuan. Mataman kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Isang mataas na building ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ito nalalayo ng taas at ganda sa mga nagtatayugang mga gusaling makikita mo sa Europa at America. Nagtataka lang ako kung bakit dito pa kami sa ganitong lugar magmimeet up ng clubmates ko.


"Aalis na po ako Maîtresse Alex."


"Okay."


"Tawagan niyo na lang po ako kung magpapasundo na kayo."


Isang simpleng tango na lang ang itinugon ko kay Ken. Ihinatid ko pa ito ng tingin ng muli itong bumalik sa loob ng sasakyan. At ng kahit nakaalis na ay nanatili akong nakatingin doon.


Tinatamad kong ihinakbang ang aking mga paa papasok sa loob ng building. Tinalasan ko rin ang aking paningin para agad kong makita ang mga kasamahan ko sa club. Ni wala akong nakita ni isang anino sa kanila. Lumapit na lang ako sa babaeng nasa front desk ng lobby.


"Excuse me, Miss."


"Yes, sir. May I help you?"


"Ahm, I'm looking for my friends. And I---."


Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon