GiD 18 - Hanging Around

2.9K 211 5
                                    

GiD

Copyright © 2016

MidnightScarletSkye


****


Chapter 18 - Hanging Around


ALEXIS'S POV


Mabining tinatangay ng pang-umagang hangin ang nakalugay na tuwid na tuwid kong buhok. Dahil Sabado naman at wala akong pasok kaya naisipan kong mamasyal man lang at magrelax. Nakakaburong mag stay lang kasi na naman sa bahay ng buong maghapon lalo na at maliban sa machines, computers, and books ay wala man lang akong matinong makausap. Yung mga kasama ko naman kasi sa bahay hindi ko rin maabala dahil busy naman sila sa kanya-kanyang duties nila. Naturingan ngang napakarami kong kasama pero wala ring silbi. Yung marami ngang kasama pero hindi ko naman nakakausap at hindi rin pwedeng abalahin.


Ayaw pa sana akong payagang umalis ni Ken lalo na ng sabihin kong ako lang mag-isa. If I say ako lang mag-isa, it only means that I don't want any bodyguard to tag along with me while I'm hanging around the city. Yeah, I really don't need a bodyguard, but I thought it would be cool to have a tag along, someone like friends. Mas malilibang pa sana ako kung ganoon.


Naisip ko tuloy bigla si Darryl. Siya lang naman kasi ang maituturing kong friend. Kaso baka kapag inaya ko iyong mamasyal na ganito ang itsura ko baka naman maeskandalo naman iyon at bigla na lang mag-freak out. Baka isipin pang bakla ako na bigla na lang sinapian at naglaglag na ng tunay na katauhan.


Kanina pa ako paikot-ikot lang dito. Wala naman talaga kong particular place na pupuntahan. I just want to walk around. Ang paalam ko kay Ken sa mall lang ako pupunta. For sure maghihisterya yun oras na malamang hindi ako sa mall pumunta kundi sa isang open bazaar, sa isang public market, at pagala-gala sa isang lugar na over crowded.


Actually kanina pa ako nalulula sa dami ng mga panindang tinitingnan ko. Ang mumura kasi ng presyo. Gusto kong bilhin lahat ng magustuhan ko kaya lang saan ko naman itatambak iyon? No, scratch that, mas tamang sabihin kung paano ko namang madadala ang lahat ng iyon. I'm not a superhuman. Kaya nagkasya na lang ako sa pagtingin-tingin sa paligid.


Napailing na lang ako ng mahinang kumalam ang tiyan ko. Nag-aalburuto na ito. Naalala kong alas sais pa ng umaga ako umalis sa bahay at ni hindi man lang nalapatan ng mainit ang tiyan ko kahit kape man lang wala. And it's almost eleven already ng sipatin ko ang wrist watch kong suot.


Where should I go to eat right now?


Nagpalinga-linga ako para maghanap ng makakainan. Ang unang nabungaran ng aking paningin ay ang napagdesisyunan kong doon na lang kumain. Isa iyong maliit na stall at sa tingin ko naman malinis iyon dahil may ilang bumibili. Dali-dali akong naglakad patawid sa kabilang kalsada at lumapit doon. May inabutan pa akong dalawang bumibili. Isa-isa kong inusisa ang mga pagkaing nakadisplay na natatakpan. Gusto kong mapakamot dahil ni isa ay wala man lang aking familiar sa mga pagkaing nakikita ko. Napatingin ako sa dalawang babaeng katabi ko ng maramdaman kong nakatitig sila sa akin. I simply smiled at them bago muling ibinalik sa mga pagkain ang aking pansin.


"How much is this?"


Tanong ko sa manong na nagtitinda habang itinuturo ko ang isang uri ng pagkain.

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon