GiD 30 - Date

3.1K 112 13
                                    

GiD 30 - Date



Alexis's POV

Hindi ko inaasahang si Sachiko iyong nanalo sa auction. Napakunot ang noo ko sa kaalamang iyon. Hindi ito ang klase ng babae na makikipagkumpetensiya sa iba para lang sa isang date. Sabagay gasino na lang ba sa mga estudyante ng school namin ang five hundred thousand pesos? 


Mas okay na ring ito ang makaka-date ko 'di ba? At least I know her. Well, sabihin na nating hindi ko naman ito ganoon kakilala. We're just acquaintances, somehow. Nilapitan ko na ito dahil mukhang ang awkward naming tingnan.


"As we begin, so shall we go?" 


"Ahm, yeah."


I offered her my hand na tinanggap niya naman kahit na may pag-aalangan sa mukha nito. I lead her through the hall and out to the parking lot. I took her arm and she let me lead her to the car. Saka kami bumyahe papuntang Azure Sublime Hotel. 


Kahapon ko pa iniutos kay Ken na ihanda ang date na ito. Well, ano ba naman kasi ang kaalam-alam ko pagdating sa date? Ang alam kung date ay iyong mga kagaya ng business meeting, charity works at hindi ang klase ng isang romantic date. At sa isang babae pa.


Oo nga at may idea naman ako about date pero never ko pa namang naranasang makipag-date. Ilang gabi ba ang iginugol ko para lang manuod ng tungkol sa mga romantic dates? Pati iyong mga tips na nakasulat sa mga aklat pinatulan ko ring basahin.


Darn! Bakit ko ba kasi ito ginagawa? Kung pumayag lang sana sila Caitlyn na tanggapin na lang iyong perang ibibigay ko basta ang kapalit ay huwag na akong isali. Hindi man lang nasilaw sa ini-offer kong halaga.


Akala ko pa naman pera ang kailangan ng club para sa fundraising kaya nagtataka ako kung bakit tinanggihan iyon nila Caitlyn. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.


Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa harap ng hotel. Maingat kong itinabi ang sasakyan saka ako bumaba at ipinagbukas ko ng pinto si Sachiko. Agad kong iniabot sa Valet ang susi ng aking sasakyan para i-park iyon ng maayos. 


At muli kong inakay si Sachiko. But this time ay papasok naman ng hotel. Nakakatawa lang dahil napakatamik naming parehas. Tanging ang mga tunog lang ng aming mga sapatos ang maririnig sa pasilyo. Lihim ko lang itong pinakikiramdaman.


"Good evening ma'am and sir." Salubong agad sa amin ng isang lalake na sa tantiya ko ay nasa mid-thirties ang edad. "I'm Raffy Ricarte, the hotel manager."


Malugod na tinanggap ni Sachiko ang kamay na inilahad ni Raffy ng makipagkamay ito samantalang ako naman ay isang simpleng tango lang ang ibinigay ko dito. 


"Where's Ken, Mr. Ricarte?"


"Nandoon na po siya at naghihintay na sainyong pagdating sir."


"Is that so?"


"Yes sir. This way please." 

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon