Ainne Blue Hicks
FB: https://www.facebook.com/profile.php?id=100009891674942&fref=ts
Twitter: https://twitter.com/AinneHicks
GiD
Copyright © 2016
MidnightScarletSkye
****
Chapter 9 - Acquaintance Party Part III
KELLY'S POV
Inis na inis ako. Kinaladkad ako dito ni Liam at ngayon nga ay pinauulanan lang naman niya ako ng sermon. Ako pa ang na blame nito kung bakit nahulog ang ex-girlfriend niya at kamuntikan ng mamatay.
But I don't think it was my fault at all. Hindi lang talaga matanggap ng chinitang iyon na nabaling na sa akin ang pagkagusto ng boyfriend niya kaya ako kinumpronta. Talagang ngayon niya pa itinaon sa party kung saan napakaraming tao. Aba, mantakin ba namang may lakas pala siya ng loob para i-confront ako ng harap-harapan. Ako na si Kelly Avielle Welch, the queen bee. No one dare to mess up with me dahil alam nila kung ano ang kaya kong gawin sa mga taong kumakalaban sa akin. Ayun tuloy ang napala niya, masyado naman palang mahina kaya nahulog. Susugod-sugod sa akin ng wala man lang kalaban-laban.
I told her to stay away but she didn't listen to me so that's why I slapped her hard on her face kaya lang lumaban at sinabunutan din ako. Nagawa ko siyang ibalya at malas niya lang talaga napalakas ang pagkakabalibag ko sa kanya kaya na out of balanced ito at napunta sa kabilang railings. Nabigla rin naman ako eh, kaya nga napatulala na rin lang ako kanina. It wasn't my intention na ihulog siya. Not at all. What happened is just an accident. I just intend to give her own dose of medicine. Dapat lang iyon sa kanya dahil kinalaban niya ako.
"So you were telling me that it was all my fault? Is that is, huh Liam?"
"Hindi ko sinabing kasalaman mo. Ang sa akin lang sana man lang hindi mo na lang pinatulan pa. I told you not to bother her anymore Kelly. I told you to spare her."
"She was the only one to blame! That girl is a freaking idiot! Siya ang lumapit sa akin at akala mo kung sinong makapag confront sa akin."
"You're impossible! Stop blaming others for your mistakes!"
After Liam told me those words, bigla na lang ako nitong nilayasan at iniwanang mag-isa sa isang sulok ng garden. I admit, gwapo ito but he's nothing compared to the campus royalties. Dahil nahihirapan akong makadikit sa kanila kaya ito muna ang pinagbalingan ko. Natuwa naman ako ng makuha ko ito at iwanan nito ang chinita nitong girlfriend. Kaso dahil sa nangyari mukhang tinapos na nito ang pakikipaglarong ginagawa sa akin. Well, it's his lost not mine. Pasalamat siya at pinagtiyagaan ko pa siya.
Well not now. Dahil nakakita na ako ng bagong mabibiktima. He's worth fighting for. Pwede itong ihilera at ipagsabayan sa mga royalties. Sa canteen pa lang noong una ko itong makita kasama ng geek na si Darryl ay humanga na talaga ako dito kagaya ng paghangang naramdaman ko noong una kong makita si Clyde. Biruin mo nga naman, napapayag ko itong dumalo sa sa party. Ngumiti ako ng makamandag.
BINABASA MO ANG
Girl in Disguise
RomanceCharlie Alexis Devonne Eldridge, an eighteen-year-old heartthrob transferee college student. Silent type, matalino, gwapo, at mayaman. Pinapangarap ng mga girls. Who could have thought that he, one of the so-called hottest guy in campus is a girl? *...