GiD 31 - Suspicion

3.2K 115 23
                                    

Author's Note:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's Note:

Hi guys! Sorry readers kung ang tagal kong hindi nagparamdam at ngayon lang ako nakapag-update. Naging busy lang kasi ako sa school at umuwing bundok haha. Walang signal ng internet ang dala kong pocket wifi kaya wala ring silbi. Pagpasensiyahan niyo na lang ang lame kong update, pakiramdam ko kasi lutang pa ako ngayon. Haha.


Kanina pa ako nagtataka kung bakit ang konti lang nung update na nakikita ko kaya nag-open ako sa desktop saka ko lang nakita ng malinaw yung update ko na putol pala siya. Buti na lang may revision history na ang Wattpad kaya nakita ko yung kabuuan ng chapter. Ayan okay na siya guys. And thanks ulit!



* * * * *



CLYDES'S POV


Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng kumakanta. At very familiar sa akin ang tinig na iyon. Nagpalinga-linga ako para tingnan kung saan nanggagaling ang malamyos na tinig.


Hanggang sa kusa akong dalhin ng aking mga paa sa likod ng garden. At kasabay din niyon ay ang tuluyang paglaho ng tinig na hinahanap ko.


Napakunot na lang ako ng noo. Guni-guni ko lang ba iyong may narinig akong kumakanta? Pero sigurado talaga akong mayroon akong narinig.


Aalis na sana ako ng mahagip ng aking paningin ang isang bulto ng tao na nakasandal sa isang puno. Hindi ko na sana papansinin kaya lang nagbago ang isip ko ng makilala ko kung sino ang taong iyon.


Alexis.


Bigla namang gumitaw sa ala-ala ko iyong babaeng nakita namin ni Zayden sa hotel. Bakit ba hindi ko maiwasang maging curious sa pagkatao ni Alexis kapag naiisip ko iyong itsura nung babae. Malinaw ko pa ring natatandaan ang itsura nito magpahanggang ngayon.


You've always been curious about him Clyde, remember?


Oo na! I've always been curious about Alexis. Who doesn't anyway?


Hindi naman kasi normal ang mga ipinapakita nitong kilos para sa isang kagaya nito. At sa klase ng katawan na mayroon ito, bakit masiyado naman yata itong malakas? Athletic? Mas malaki pa nga ang bulas ng katawan ni Darryl. Kumpara kay Darryl na masiyadong lampa compared to him.

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon