GiD 34 - Untitled

2.9K 115 22
                                    

ALEXIS'S POV



I can't decide. Susunod ba ako sa kanila o hindi? I'm battling inside, in my mind. Kung hindi ako susunod sa kanila, ano na lang ang iisipin nila? At kung susunod naman ako, dapat kong tiisin ang presensya ni Clyde.


Urgh, Alexis! Ano ba kasing ikinababahala mo? Ano naman kung andoon din si Clyde? Malamang di ba? Kasi kasama niya yung buong tropa niya? May nakakapagtaka pa ba dun?


Oo nga naman. Hindi na dapat ako mag-expect na hindi sila magkakasama. No choice na rin ako, kung aatras pa ako. Sino ba siya? Si Clyde lang naman yun. Hindi ko na lang iintindihin ang nakakainis na parte ng isip ko.


I suddenly started walking really slow na para bang sa ganoong paraan mapapahaba ko pa kahit papa'no ang oras ko na hindi muling makita ng aking mga mata si Clyde. Pagpasok ko sa loob ng restaurant, lahat na sila ay may kanya-kanyang upuan. 


Oh, crap!


Bigla ko na lang naiusal sa isip ko yung quotation ni Nicholas Sparks sa At First Sight na "Just when you think it can't get any worse, it can. And just when you think it can't get any better, it can."


Parang gusto kung umatras palabas ng restaurant. Bigla na lang akong naduwag na tuluyang lumapit sa mesa kung nasaan sila. Kung kanina buo pa ang lakas ng loob ko na sumunod, ngayon wala na iyon.


Sino ba naman kasi ang hindi? Sa dinami-dami ng upuan na pwede nilang upuan, bakit yung katapat pa mismo ng kinauupuan ni Clyde ang iniwanan nilang bakante?


I stepped back and ready to walk away. I need to get out of here bago pa pa man nila ako mapansin. Bigla akong sumabay sa paglakad ng may dumaan sa tabi kong isang waitress. Mabuti na lang at malaking bulas ito kaya nagawa ako nitong maharangan.


Napasunod ako dito ng maglakad ito sa kabilang direksyon ng restaurant. Natatawa na lang ako sa ginagawa ko. Para akong tanga. Daig ko pa ang isang magnanakaw na patago-tago sa mga nabiktima ko. Mukhang may okay pa nga sana kung totoong magnanakaw na alng ako. At least iyon, may sapat akong dahilan para magtago. Kaso hindi eh.


Muli kong ibinalik ang tingin ko sa grupo nila Clyde kaya hindi ko na napansin na nakaalis na pala sa tabi ko yung waitress. Kaya nagtaka pa ako ng hindi ko ito makita sa malapit na mesang kinatatayuan ko. Medyo malayo na rin ang pwesto nito dahil may ina-assist na customers. 


Naghanap na lang ako ng pwede kong pwestohan pansamantala kung saan ay hindi nila ako makikita sa loob. Nagpalinga-linga ako para humanap sana ng bakante kaso puro may nakaupo. Ang sagwa naman yata kung bigla akong lumapit at maki-share ng table.


Baka may backdoor sila dito, pwede ako dun dumaan.


Naglakad ulit ako para pumuntang comfort room. Nagbabakasakaling may pwedeng madaanang backdoor. I just wish na mayroon nga. Usually naman kasi mayroon naman talagang ganun ang mga ganitong establisyemento.


Dadaan muna ako sa comfort room. Nakakaramdam na ako ng tawag ng kalikasan. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong ibang makitang tao sa loob ng CR. Wala akong inaksayang oras kaya dali-dali akong umihi. 

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon