GiD 14 - Shes Got It All Wrong

3.6K 221 15
                                    

GiD

Copyright © 2016

MidnightScarletSkye


****


Chapter 14 - Shes Got It All Wrong



CLYDE'S POV

"Have you guys heard the news?"

Mula sa ibaba ng punong kinauupuan ko ay rinig kong sabi noong isang lalake. Dito ako pumunta kanina ng makasalubong ko iyong mga babaeng peste. Hindi man nila ako tuluyang nilapitan pero alam kong sinusundan naman nila ako kaya nga mabilis akong naglakad at lumiko sa east wing ng school at agad na umakyat dito sa puno para lang maiwala ko sila. Nagtagumpay nga ako, pero mukhang pati kapwa kong mga lalake ay wala ring ipinagkaiba sa mga bubuyog.

Psh. Kalalakeng tao, mga tsismoso rin.

Wala akong ibang nagawa kundi ang pagtiyagaang pakinggan ang mga tsismosong nasa ibaba ng punong kinaruruonan ko ngayon. Hindi ko alam kung anong mayroon at mukhang parati na lang yata akong minamalas. Sa tuwing gusto kong magpahinga ay lagi na lang may mga estorbo. Wala naman akong balat sa pwet pero ang malas ko talaga.

"Alin yun pare?"

"Ahh yung about ba doon sa game ng soccer team last Saturday?"

"Oo tol, about nga doon."

"Eh, ano namang interesting sa naganap na laban?"

"Oo nga naman. Kahit naman panuorin pa natin iyon o hindi, alam na naman natin agad kung sino ang mananalo. Ang malas na lang ng nakalaban nila."

"Lalo na kung naroon pa sa game ang royalties."

"Rinig ko walang naglaro ni isa sa mga royalties. Actually, wala sila doon."

"Sorry mga tol pero diyan kayo nagkakamali."

"Anong mali kami?"

"Oo. Totoong wala yung mga royalties kaya wala siguro silang alam sa naganap na laban last Saturday. Actually niyan, hindi naman buong team ang lumaban. Sila Mathew lang. I mean, sila lang ng mga tropa niya."

"Silang lima lang? So, anong nangyari sa laban? At sino namang malas ang nakalaban nila?"

"Naku mga tol. Hindi kayo maniniwala."

"Sino nga?"

"Sila Darryl."

"Darryl who? Don't tell us na si Darryl the geek?"

"Yup! Dalawa silang lumaban. And guess what?"

"Ahm, nilipad sila Darryl ng kahanginan ni Mathew?"

Naghagalpakan pa sila ng tawa sa sinabi nung isa. Pati ako muntik na ring matawa. Hindi ko kasi naisip na iyon ang isasagot ng isa sa kanila. Sabagay may punto rin naman ito. Mayabang nga naman talaga si Mathew. Feeling yata nito, siya ang hari sa school. Naghahari-harian kapag wala kami sa paligid.

"Mga sira! Magseryoso nga kayo."

"Bakit? Seryoso naman yun ah. Hindi ba mga tol?"

Muli na naman silang nagtawan. Trip nilang pagtawanan sila Mathew.

"Oo na! Sige na! Ano? Kinawawa ba sila nila Mathew the storm?"

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon