GiD 17 - Mission Accomplished

3.2K 198 9
                                    

Para kay @ernniebernadeth ang chapter na to. Naulit kasi yung story.. 


****


GiD

Copyright © 2016

MidnightScarletSkye


****


Chapter 17 - Mission Accomplished


RYFER'S POV


Kanina pa ako nagugutom at kung hindi ko lang siguro nakita kaninang pababa ako si Brittany, malamang kanina pa ako nakakain. Mabuti na lang nakita ko agad si Sage at nagawan kong paraan para hindi kami magkasalubong ni Brittany. Fine! I admit, I was planning to court her two months ago. Pero bago ko pa man ito maligawan ay may isang bagay ang nakapagpabago sa isip ko na huwag na lang ituloy ang balak kong ligawan ito. Pati yung twice kong pakikipagdate dito, hindi ko na rin sinundan pa.


Bakit hindi? After the first date, she keeps on following me as if I didn't know. Noong una pinabayaan ko lang. Natatawa pa nga ako noong una. Yung second date naman namin siya na mismo ang nag-aya sa aking makipag date. Akala ko pa naman matino ito at naiiba sa mga babaeng nakadate ko na. Kagaya rin pala ito ng ibang babaeng hindi rin makapaghintay at madali rin marahuyo sa charm ko. After noon iniwasan ko na siya but there was one time, she keeps stalking me wherever I go. And recently I noticed that she was in front of me wherever I turned to. Nakakatakot. Hindi pa nga ako nanliligaw ng lagay na yon, ipinapakita niya na agad sa akin kung gaano siya ka-possessive. Paano pa kaya ako kung natuloy iyong balak kong ligawan siya at naging boyfriend niya ako? Baka kulang na lang itali niya ako para lang hindi ako madikit sa iba.


Kapapasok pa lang namin ni Sage sa loob ng cafeteria ng makita naman namin si Zayden na papalabas. Hahayaan na sana naming dalawa ni Sage na makaalis ito dahil alam naman namin na kailangan niya pang puntahan si Clyde at kausapin kaya lang naudlot ang pag-alis nito ng makita namin si Flynn na kumakain naman kasama ang girlfriend nitong si Caitlyn. Tama ba ako ng kung sasabihin kong parehas ang tumatakbo sa isipan naming dalawa ni Sage ng mga oras na iyon. Napangisi na lang kaming dalawa ni Sage at nagkindatan sa kalokohang naiisip naming parehas. Walang nagawa si Zayden kundi ang sumunod sa amin ni Sage ng magsimulakaming maglakad papalapit sa kinauupuan nila Flynn. 


Aba! Ang mokong, kaya pala hindi nito sinasagot ang mga tawag at texts namin ay dahil busy sa lunch date nito with his dean lister's girlfriend. Nahuhulaan ko na ang magiging itsura nito ni Flynn oras na makita kami nito ni Sage. Sage and I are grinning from ear to ear as we walked down the aisle. Inakbayan ni Sage si Flynn ng makalapit kami at ako naman ay agad na umupo sa katabi nitong bakanteng upuan.


At kagaya ng inaasahan ko, mukhang hindi nito nagustuhan na makita kami. Tatawa-tawa na lang kami ni Sage while his girlfriend Caitlyn ay nagpalipat-lipat lang ng tingin sa aming tatlo. Kung hindi pa ito tinapik ni Zayden ng mahina sa balikat si Flynn hindi pa nito mapapansing nasa likuran lang din namin si Zay at kasama rin namin. Saka lang nawala ang pagkakakunot ng noo nito.


"Tigilan niyo na nga iyan Sage, Ryfer."


"What? Wala naman kaming ginagawa ah. Di ba Sage?"


"Oo nga naman Zay. Wala kaming ginagawa."

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon