"Naipasa mo na ba ang project mo?"
Ito ang unang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto ng apartment ko. Kakarating ko lang galing eskwelahan at pagdating ko sa apartment ay si Ully na agad ang sumalubong sa akin.
Napahawak ako sa bag na nasa harap ng dibdib ko nakasabit. Umuulan at takot akong baka mabasa ang mga notebook ko sa loob ng bag, may libro din akong dala dahil may homework akong kailangan trabahoin.
"Nakakagulat ka naman." At yun ang sagot ko nang makita ko siya.
Tumabi siya at niluwagan ang pagbukas sa pinto para makadaan ako papasok.
"Sorry." he mumbled.
My shoes made a rattle noise as I made a beeline through the kitchenette. Nagsalin ako ng tubig sa may pitsel sa baso saka uminom na hindi ko pa binababa ang bag ko.
Hinugasan ko ang baso bago ako umupo sa silya saka tinanggal ang bag ko.
"Bakit nandito ka na naman? Hindi ka ba nag-aaral? Parang palagi ka nalang nandito." reklamo ko sa mahinang boses.
Nakapamewang siya nang umupo sa silya. "Ayaw mo bang nandito ako?" tugon niya.
"Hindi naman sa ayaw kitang nandito—"
"Yun naman pala eh, so pupunta ako dito hanggang kailan ko gusto." sabi niya at pasalpak na umupo sa kama ko, tinukod pa ang dalawang kamay rito at nakataas ang kilay na tumingin sa akin.
Kinuha ko lang ang lunch box ko na inilagay sa loob ng bag at saka nilagay sa ibabaw ng lamesa, kailan ko yung hugasan para hindi bumaho ang amoy.
"Aalis ka ulit papunta sa bar? Diba may exam ka na next week? You should set a goal to pass your exam not to earn more money in the middle of your examination week. You can go back to work tomorrow if you want to but it's Friday, you should take some rest for a while and maybe get ready for your coming exam." he literally suggested it but I stayed quiet for a moment before spewing an answer.
"Wala naman talaga akong balak na pumasok ngayon, kinausap ko na si kuya Tin na baka hindi ako pumasok ngayon pero hindi ko pa kinumpirma sa kanya na papasok nga ako sa bar ngayon."
"Well now is the right time for you to confirm to that Tin guy that you're not gonna make it to work today because you're getting ready for your upcoming exam. Bukas pumasok ka pero sa Sunday, baka gusto mong huwag nalang din munang pumasok kasi diba kinabukasan na ang exam mo."
Nagtaas ako ng tingin sa kanya na may stoic look na nakatakip sa mukha ko. He only shrugged his shoulders and looked away.
"I'm merely suggesting that instead of going out for work on that day, maybe you should use that time to study. You know you said it to yourself that you're not as smart as me so you've too work your damn ass to get pass on your exams. Hindi man malaki ang points sa exams dahil palagi kang bumabawi sa projects at iba pang activities sa school pero importante pa'rin na makapasa ka sa exam. Diba ang liit nga ng scores mo sa quizzes mo sa quarter na'to, so you have to pass your exam."
Naalala ko na bumaba ang scores ko sa quizzes ko dahil hindi ako nakakapag-aral ng maayos tuwing gabi kasi wala akong spare time para makapagstudy ng maayos dahil nasa bar ako palagi at kumakayod para may kitain.
It didn't mean Ully bought something for me in my apartment I had to live like a retired woman with a pension knocking on my door every month. It didn't work there, so that's why I had to work for myself, to fend myself because no one would have to. Si Ully ay hindi siya permanente sa buhay ko, balang araw ay hindi niya rin ako masusuportahan.
Kahit pa man pinipilit na ipapasok ni Ully sa akin na hindi niya ako iiwan at tutulungan niya ako palagi ay kumikirot ang puso ko dahil sa kanya dahil sa katigasan ng ulo niya. Paano kapag magkaroon siya ng sariling pamilya balang araw at makahanap ng babaeng selosa at hindi marunong umitindi, paano na ako?
BINABASA MO ANG
Uggo
RomanceNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...