Chapter 36

673 11 0
                                    

Nang hapon ay napapayag ko si Uggo na pumunta sa bahay ng kaibigan niya... na kasama ako. Syempre sumama nalang ako para makasama naman ni Uggo ang kaibigan niya. Syempre hindi sa lahat ng panahon ay ako palagi ang pinagbibigyan niya. His friends became part of his life and I wanted him to be happy.

Birthday pala ng mother-in-law ni Oxford. Simple lang naman yung handaan pero invited yung lahat ng mga kaibigan nila.

Bumili kami ng dalawang bouquet ng white roses para sa matanda. Wala kasi kaming maisip na regalo. Kung bag, damit, o sapatos ang ibigay namin ay baka hindi magustuhan ng nanay ni Billie kasi baka hindi magkatugma yung size. Hindi na'rin kami bumili ng alahas kasi si Oxford ay isang jeweler kaya nagsawa na yun ng mga alahas.

Ang sabi ni Uggo ay hindi daw madamot si Oxford pagdating sa mga tao kasi yun yung pagkakapareho nila. And he also added that they both had tattoos when they're just on their early twenties because they wanted to try to be rebellious but they couldn't afford to—he couldn't afford to, because of me.

Huminto ang Cadillac ni Uggo sa harap ng isang malaking bahay. Papasa na itong mansyon kung mas mataas lang siguro. Nakakamangha lang kasi, mas malaki at mas mataas yung dating tirahan ni Oxford—which naging tirahan na namin ni Uggo ngayon, at ngayon ay nandito siya sa isang mas maliit kumpara sa mansyon niya dati.

Malaki ang bahay ni Oxford at maluwag. Maganda din ang exterior at paniguradong maganda din sa loob.

"Let's get inside." sabi ni Uggo saka inalalayan niya akong maglakad paakyat sa hagdan papuntang porch.

Hindi naman mataas yung hagdan. Nasa apat na balitang lang naman. Ipinasok ni Uggo kanina yung kotse niya sa may gate para daw hindi nakakasagabal sa daan. Kasya pa naman yung kotse niya sa may harap ng bahay nina Uggo.

May apat na kotse pang nakaparada sa labas sa mismong harap ng bahay, maliban yung kay Uggo. Hindi ko alam kung lahat ng mga kotse na nakaparada ay kay Oxford pero parang hindi.

"Must be Noe's and Easton's. Palaging starring yung dalawang yun." bulong ni Uggo na narinig ko naman ng klaro.

"Sino sila?" Curious kong tanong.

"Friends. Baka nauna na sila dito." sabi niya.

Hindi ko pa personal na nakikilala yung iba niyang mga kaibigan kasi hindi ako pala-tanong kung sino yung mga kaibigan niya pero yung pangalan ay talagang pamilyar sa akin, kung nakilala ko naman sila ay baka nakalimutan ko na yung mga mukha nila, yung mukha lang naman ni Uggo ang palagi kong nakikita. Pero yung naririnig ko palagi ay sina Oxford, at ang magkapatid na Santini.

Pinindot ni Uggo yung doorbell. Sa harap ng pinto ay may camera kaya siguradong kita kami mula sa loob ng bahay dahil sa camera kagaya nung sa mansyon ni Uggo.

Naka-dalawang beses pinindot ni Uggo yung doorbell saka lang may bumukas. I thought we'd welcome by Oxford or his wife but it turned out it was a young man who opened the door to welcome us. The teenager was not far from fifteen to sixteen years of age based on his features. He's not skinny but his body was just perfect for his age, and he's quite tall.

"Hello uncle Uggo. Uncle is waiting for you. I thought you're not coming." sabi ng bata.

Ang gwapo niya. Para siyang Greek prince o di kaya ay Norse prince. Saan kaya galing ang batang 'to at sobrang gwapo.

"Hey buddy. I thought I wouldn't come too but I changed my mind. And I'm with my girlfriend."

Pinakilala ako ni Uggo sa bata at nalaman ko na Ares ang pangalan niya. Kaya pala ganun ang pangalan kasi mukha siyang isang prinsipe. Kung anak ko lang 'to, taas-noo ko talagang ipagsasabi sa lahat ng mga tao na may anak akong gwapo.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon