Kalmado lang ako nang sagutin ko ang aking papel. It's our exam and the only noise I heard inside of our classroom was the flipping papers by my classmates. I put down my pen and bended my fingers to make a satisfying bone cracking sound.
Binalik ko ulit ang atensyon ko sa papel. Hindi mahirap ang aming exam ngayon dahil na'rin nagsumikap akong aralin ang lahat kahit pa man minsan ay tinatamad akong magbasa at magnotes.
Pero dahil desidido akong makakuha ng grades na mataas ay nagsusumikap ako kahit pa man hindi ako matalino kagaya ng ibang estudyante. Ang mahalaga lang sa akin ay may magandang grades ako at siguradong makakapasa.
Pagkatapos ng exam namin ay pumunta ako sa canteen para bumili ng tubig. Naubos na yung dala kong tubig at bibili din ako ng pagkain dahil nagugutom na ako.
Bumili ako ng banana cue sa canteen, limang sticks ang binili ko kasi nagugutom ako. Kinain ko sa loob ng canteen yung isa at natira yung apat. Nakaplastic naman yung apat ko pang binili dahil dadalhin ko sa apartment.
Pagdating ni Uggo sa tapat ng eskwelahan namin ay naka-motor na siya. Sumakay ako at suot yung helmet. Pero bago pa niya pinaandar ang motorsiklo niya ay nagtataka siyang nagtanong sa akin.
"Ang dami mong binili ah. Are those banana cue?"
"Para sa akin lang 'to." Malamig kong sagot. Ayoko lang na ishare yung binili kong pagkain.
"Why? Mauubos mo ba yan?"
I rolled my eyes. "Huwag ka na ngang magtanong. Kung hindi mo pa gustong paandarin ang motorsiklo na'to, sasakay ako sa taxi pauwi."
"Woah! I didn't know you're going to act like that!"
Sinamaan ko ang tingin ang kanyang nakatagilid na mukha, nakaharap ang katawan niya kasi nakahawak sa motorsiklo pero nakatagilid siyang tumingin sa'kin.
"Ano? Magdradrive ka o hindi ako sasakay?" banta ko.
Marahas siyang bumuga ng hangin at inistart yung motorsiklo niya. Humawak na ang isang kamay ko sa bewang niya nang paandarin niya ito. Bigla nalang akong nag-init dahil sa inis kasi nga ang daming tanong niya sa'kin. Sobrang nakakainis siya.
Tahimik lang siyang nagmaneho at pati din naman ako. Syempre naiinis pa ako sa kanya kaya tahimik lang talaga ako. Hanggang sa makarating kami sa apartment building. Una akong bumaba at walang imik na binigay yung helmet sa kanya at doon na ako nagsimulang umakyat papunta sa apartment ko.
Walang imik din siyang sumunod sa akin. Pagkarating namin sa apartment ko ay binuksan ko agad yung pinto at pumasok. I left the door open for him to get inside of it. He locked the door silently. Binaba ko ang nasa plastic na banana cue at saka hinugot ko yung straps ng bag ko mula sa pagkakasabit sa balikat ko tapos ay binaba ko na yung bag sa ibabaw ng kama.
Umupo ako sa kama. Tinanggal ang sapatos. Kasunod kong tinanggal ang medyas. Sinuksok ko lang muna ang medyas sa loob ng sapatos bago ko ito iginilid sa paanan ng kama sa ilalim nito.
Napahinga ako ng malalim saka gamit ang kamay ay pinunasan ko ang pawis ko sa itaas ng labi ko. Napansin ko na titig na titig si Uggo sa akin. Siguro ay nagtataka siya sa ikinikilos ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya habang hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin.
"I think, parang may nagbago sayo."
Itinaas at baba niya ang mga mata sa akin. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Para siyang security guard na may scanner, iniscan ang buo kong katawan kung may tinatago ba ako o wala.
"Parang tumaba ka." Parang hangin lang na bulong niya. "But of course, I don't know that. Baka namamalik-mata lang ako." bawi niya agad para hindi ako masaktan.
BINABASA MO ANG
Uggo
RomanceNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...