Isang malakas na pagyugyog sa balikat ko ang aking naramdaman. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita kong nagsasalita si Ully. Hindi ko masyadong narinig ang sinasabi niya pero nang mariin kong ipinikit ang mga mata ko at inayos ang pakiramdam ko ay narinig ko siya.
"Harry? May iba ka bang nararamdaman? We're going to the hospital."
Tinulungan niya akong makaupo ng maayos sa may mataas na platform. Agad akong sumandal sa kanyang balikat kasi nahihilo pa ako, yumakap naman siya sa akin at hinimas ang likod ko.
"Hindi na kailangan. Kunting hilo lang 'to. Sa apartment nalang ako magpapahinga." sagot ko na nakapikit pa.
"Are you sure? I could give you a ride to the nearest clinic or hospital. Sabihin mo lang sa'kin kung may iba kang nararamdaman na masakit sa katawan mo." Masyado siyang malapit sa akin dahil ang kanyang mainit na hininga ay tumama sa pisngi ko.
Umiling ako pero nanatili lang akong nakasandal sa kanyang katawan. "Hindi na. Uuwi nalang ako."
He let out a loud sigh of defeat.
"Okay. I brought my friend's car. Hiniram ko lang yun pero isasauli ko lang din bukas." tugon niya at tinulungan akong makatayo.
"Yung bisekleta ko." Nilingon ko ang bisekleta ko.
"Ako na ang bahala diyan. Come on, we need to get you home. Baka magkasakit ka pa dahil sa hamog."
"Eh yung lalaki." tanong ko.
"Dinala na ng mga pulis sa presento. Don't worry because I'll make sure na hindi ka niya malalapitan pa."
Nakahinga din ako ng maluwag sa sinabi niya. That guy was scary. Sa susunod ay mag-iingat na talaga ako, dodoblehin ko pa ang pag-ingat ko.
Pinasakay ako ni Ully sa kotse ng kaibigan niya. Hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan niya ang hiniraman niya ng sasakyan dahil sa pagkakaalam ko ay maraming barkada si Ully bukod sa akin. Hindi lang ako sigurado kung ako lang ang kaibigan niyang babae, malay ko, baka nag-iba siya na hindi ko lang napapansin.
Kahit palagi siyang nasa apartment ay hindi ko lang napapansin ang kinikilos niya dahil mayroon din akong sariling mundo na ginawa ko para lang sa'kin.
Hindi naman talaga siya open sa'kin kahit noong nag-inom kaming dalawa noong nakaraang buwan sa apartment. Masyado siyang nalasing pero ako ay hindi masyado, may problema siya sa nanay niya pero hindi niya sinabi sa'kin ang buong detalye ng kanyang problema.
"Just relax, pwede kang matulog. Gigisingin nalang niya mamaya kapag nakarating na tayo sa apartment mo." aniya't habang kinakabitan ako ng seatbelt para maging proteksyon.
Tumango lang ako pero pinaalala ko sa kanya ang bisekleta ko. Hindi yun pwedeng maiwan kasi yun lang ang tangi kong ginagamit kapag pumapasok ako sa eskwelahan at sa trabaho at sa pag-uwi. Hindi na ako namomroblema sa pasahe o sa gas dahil yung bisekleta ko ay hindi kailangan ng gas at makakatipid din ako sa pamasahe.
Narinig ko ang pagbukas-sara sa backseat ni Ully. Siguro ay pinasok niya ang bisekleta ko sa loob ng sasakyan. Hindi naman masyadong malaki ang bike ko pero nakakabilib dahil naipasok niya.
Naihatid ako ng maayos ni Ully sa apartment. Inuna niya munang inilagay sa parking area yung bisekleta pagkatapos ay tinulungan akong dalhin sa apartment ko. Dahan-dahan lang ang pag-akyat namin papunta sa apartment dahil nanghihina ako.
Hindi ko masisisi ang sarili ko kung nagsusunog ako ng kilay para lang may maisagot sa exam ko. As if naman makakapagcheat ako sa eskwelahan eh yung mga katabi ko kagaya din sa'kin na hindi din magaling sa acads.
BINABASA MO ANG
Uggo
RomanceNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...