Chapter 27

347 9 0
                                    

Kumilos ako sa ibabaw ng dibdib ni Uggo. Umaga na pala. Kaninang paggising ko ulit ay madilim pa sa labas kaya nag-assume ako na gabi pa. Pero paggising ko ulit ay sumisilip na ang araw. Uggo was still sleeping like a baby. His left arm was wrapped on my  back while his other arm was relaxing above his head.

What a sight.

Para siyang modelo sa ayos niya na kinukunan ng camera habang nakapikit ang mga mata at bahagyang nakabuka ang labi. Hinimas ko ang kanyang tiyan. Wala akong reaksyon na nakuha mula sa kanya. Tulog pa talaga siya.

Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Ang himbing ng tulog niya at ayoko siyang istorbohin. Habang tulog pa siya ay hahayaan ko lang muna siyang humaba pa ang tulog niya para makabawi siya. Siguro ay masyado siyang abala nitong mga nakaraang araw at ngayon lang siya nakabawi ng maayos na tulog.

Marahan ang hakbang ko palabas ng kwarto. Sa kwarto ko siya natulog. We didn't do anything in my room, nagpaalam pa siya sa akin na matutulog daw siya sa kwarto ko at sino ba naman ako para tanggihan siya.

Dumaan muna ako sa sala at mabuti nalang at walang kalat na naiwan sa aktibidad na ginawa namin kahapon. We just missed each other's warmth kaya naging performers kaming dalawa.

Omelette at fried rice lang ang ginawa ko kasi madali lang lutuin. Bumalik ako sa kwarto ko ng dahan-dahan lang ang kilos. Kumuha ako ng damit para sa pamalit ko at yung pangtrabaho ko na. Kahit umalis ako ng hindi pa nagigising si Uggo ay at least may hinanda na akong breakfast para sa kanya.

Sa ibang kwarto na ako gumamit ng banyo kasi ayokong maistorbo si Uggo habang natutulog siya ng mahimbing. Kompleto naman ang mga hygienic products sa loob ng banyo ng isang guestroom. Dito sa bahay niya ay yung master's bedroom lang ang may malaking banyo, yung sa ibang kwarto ay sakto lang ang laki.

Doon din ako sa guestroom nagbihis at nag-ayos. Paglabas ko ng guestroom na yun ay saktong narinig ko na tinatawag ako ni Uggo.

"Nandito ako!" anunsyo ko.

Nasa hagdan ako nang makita ko siyang lumabas mula kusina. Hinahanap niya talaga ako. Bagong gising palang siya at halata pa yung magulong buhok niya. May suot siyang shorts na hanggang kalahating hita lang niya pero wala siyang suot na top.

"Where were you?" he rasped.

"Sa isang guestroom. Doon ako naligo at nagbihis. Ayoko kasing istorbohin ka habang natutulog."

I tipped my toes to reach his lips. Niyuko naman niya ang kanyang mukha para maabot ko siya at nagtama ang labi namin. Nang humiwalay ako sa kanya ay inakbayan niya ako saka inakay papasok sa kusina.

"Hindi ka lang ba maghihilamos ng mukha o magmumumog?"

"Why? Mabaho ba ang hininga ko?"

Namula ako sa tanong niya. "Hindi naman. Pero kung gusto mong kumain tayo ay maghilamos ka muna o magmumog. Halatang inaantok ka pa nga eh."

He chortled. "Will do that later. Babalik din ako sa pagtulog kapag maihatid na kita. Nagising lang ako dahil akala ko ay nakaalis ka na para pumasok sa trabaho mo."

"Huwag mo na akong ihatid. Nandun naman sa labas yung sasakyan ko kaya ayos lang na hindi mo ako ihatid ngayon. Magpahinga ka para makabawi ka naman mula sa ilang araw mong pagtrabaho."

"It's okay." Kibit-balikat niyang sagot.

Umiling ako para tumango. "Hindi na talaga. Kung magpilit ka ngayon ay magagalit ako." Pagbabanta ko sa nakataas na kilay.

Uggo knew how to roll his eyes at me and so he did it with his hands on his hips.

"Fine. Hindi na ako mamimilit pa sayo."

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon