Chapter 21

673 13 0
                                    

Pagkagising ko ay nasa ospital na ako. Nalaman ko agad dahil sa mga nurses na naglalakad. Napabuntong-hininga ako. Ginalaw ko ang katawan ko pero agad akong napapikit ng mariin at napatigil nang kumirot ulit ang ulo ko. Para akong hinampas sa likod ng ulo ko dahil ang sakit.

Napahawak ako sa tiyan ko. There's something I felt in my stomach and it's slightly painful. Para lang akong kinurot pero naalala ko na nahimatay pala ako sa hagdan habang sumasakit ang tiyan ko.

Ilang saglit lang ay may humawi sa kurtina. Nginitian ako ng nurse.

"Gising ka na, may kakaiba ka bang nararamdaman?" tanong niya.

Pinilit kong iangat ang katawan ko pero pinigilan ako ng nurse at sinabing magrelax lang muna daw ako.

"Nang gumalaw po ako, yung puson ko po ay medyo kumirot siya."

Napatango siya.

"Pwede kang umuwi mamaya pero dapat maubos mo muna yun." Tinuro niya sa akin yung tinusok sa akin na IV na may tubig pero hindi yun ordinaryong liquid.

"Ano po bang nangyari sa akin at bakit po sumasakit ang tiyan ko? Buntis po ako ma'am. May nangyari ba sa fetus?"

Bumuntong-hininga siya. Sa ginawa niya ay parang gumuho ang mundo ko. "Sorry pero nakunan ka miss Caballam. Kung hindi namin kinuha ang baby ay baka pati ikaw ay mapano na kaya ginawa namin ang dapat. I'm sorry."

Sa itsura niya at sa tono ay hindi nagkakamatch dahil yung tono niya ay parang may awa na may simpatsa siya na nawala yung baby ko. Pero yung mukha niya ay blanko na mukhang sanay na siya na ihatid yung balita na yun at makita yung ekspresyon ng isang magulang na nawalan ng anak.

Napabuntong-hininga ako at naluluha akong nag-iwas ng tingin. Inayos niya ang kumot ko atsaka iniwan muna ako para mapagaan ang loob ko at maabsorb ng utak ko na hindi na ako buntis. Pero bago siya umalis ay pinayuhan niya ako na irelax ko lang ang katawan ko at hindi ako masyadong gumalaw o magpumilit na umupo o tumayo para hindi ako mabinat.

I sighed and let the tears dropped on my face. I gazed down on my now empty uterus. I didn't have baby in there anymore. Kung ibang tao lang ako na walang puso ay dapat nagsasaya na ako dahil malaya na ako, wala na akong poproblemahin pa sa mga susunod na buwan at makakapaggraduate ako na hindi malaki ang tiyan.

Ang sabi ng nurse base sa narinig ko sa kanya kanina na hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ay dahil sa stress. Because of the extreme stress I felt that's why my baby left me.

Nang dahil sa sobrang babad ko sa pag-aaral at sa trabaho sa bar ay hindi ko siya naalala. Siguro kinuha nalang siya sa akin dahil napapabayaan ko lang siya. Kulang lang talaga ako sa displina sa sarili at sa edukasyon kung paano mag-alaga ng katawan habang nagbubuntis. Hindi ko lang naisip na kapag nasstress ako ay naaapektuhan ang baby.

Hindi ko sinasadya na mawala siya sa akin. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko dahil wala akong pinagsabihan sa pagbubuntis ko.

Umiyak lang ako sa hospital bed ko nang ilang minuto bago ko mapatahan ang sarili ko at nakatulog ulit ako.

Paggising ko ulit ay bumalik din ang nurse na tumingin sa akin. Pinaubos niya lang sa akin yung liquid na nasa IV atsaka pinarelax muna ako. Inalalayan niya akong umupo sa higaan ko.

Kahapon pa ako dinala ng mga kapitbahay ko. Yung bills ko ay binayaran daw agad ng isa kong kapitbahay na matandang babae. Siguro ay si Aling Lucinda yun kasi siya yung kaclose ko sa apartment building namin. I reminded myself to pay my debt off to her.

Isang oras pa akong nagtagal sa ospital bago tuluyang sabihin sa akin ng doktor na pwede na daw akong umuwi.

Mabuti nalang ay may pwedeng maupuan sa labas ng ospital habang naghihintay ng taxi, ang payo kasi ng doktor ay huwag daw akong kumilos ng parang bata para hindi ako mabinat.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon