Chapter 28

686 20 0
                                    

Bago ako lumabas ng kotse ay tinago ko muna yung kahon ng pregnancy test sa bag ko. Hindi naman pinapakialaman ni Uggo itong bag ko kaya safe lang muna siya sa loob. Saka na ako lumabas mula sa sasakyan nang masiguro kong okay na.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong napangiti nang makita si Uggo na nasa sala, natutulog siya at may nakapatong na Time magazine sa hita niya. May suot pa siyang apron at bahagyang nakanganga ang kanyang bibig. He's sleeping.

Dahan-dahan kong linagpasan siya sa sala para pumasok sa kusina at ilagay doon ang lunch box ko saka pino lang ang mga yapak ko nang umakyat ako sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Naligo muna ako at nagbihis ng pambahay. Hindi ko ginalaw ang nakakahon na pregnancy test pero inilagay ko siya sa kabinet, yung hindi masyadong nasisilip para tignan ang laman.

Wala naman akong maraming gamit sa loob ng banyo kasi kung ano lang ang karaniwang ginagamit ko para sa katawan ay yun lang.

Nang lumabas ulit ako mula sa kwarto ko ay presko na ang pakiramdam ko at hindi na ako nanlalagkit. Bumalik ako sa sala at ganun pa'rin ang pwesto ni Uggo nang iwan ko siya para pumasok sa kwarto ko. Napangiti ako sa maamo niyang mukha. Hindi niya tinanggal yung tumutubong balbas niya sa panga. Kapag hindi niya ahitin yun ay tutubo na yun kapag lumampas ng ilang araw na hindi niya ginagalaw.

Umupo ako sa tabi niya at hinimas ang kanyang mukha. If my intuition was correct, then Uggo would be the happiest man on earth. Humingi siya ng isang kopya ng sonogram ko sa naunang pinagbuntis ko pero kapag malaman niya na may nabuo na naman kami ay matutuwa siya.

Napagalaw si Uggo mula sa mahimbing na pagkatulog. Sumandal ako sa may sofa at hindi na pinakialaman ang kanyang mukha para makabalik siya sa pagtulog. It was my bad to touch him.

Unti-unting idinilat niyang ang kanyang mga mata at nang mapansin na may katabi siya ay agad na nagflash yung toothy grin niya na nagpadagdag sa kagwapohan niya. Napangiti na'rin ako dahil nakakahawa yung ngiti niya.

"Tulog ka pa. Mukha yatang inaantok ka pa." sabi ko sa mahinahong boses.

He searched for my hand. He brought it to his lips before settling it on his lap. "Kararating mo lang ba?" Garalgal niyang tanong.

Umiling ako. "Not that long. Kabababa ko lang mula sa kwarto ko dahil naligo ako at nagbihis. Tulog ka kanina kaya hindi na kita nagising. Hindi mo nga inalis ang apron na'to." Tinusok ko yung tiyan niya pero hindi manlang siya natinag.

"I got tired. I did everything you want to me to do. I cleaned, cooked, and even do laundry."

"Naglaba ka?"

Proud siyang tumango. "Damn yeah, I know how to do laundry. It's not a science experiment babe, it's just so easy." Pagmamayabang niya.

I pulled out my lower lip and raised my brows. Sobrang nagmamayabang kasi. Feeling niya madadaigan niya ako sa paglalaba.

"Okay. Pero yung sinabi kong pinapaluto ko, nagawa mo na ba?"

"Areglado na boss. Oh ano, gusto mo bang icheck doon sa kitchen kung yun na yun?"

"Sure. Nagugutom na ako." sabi ko.

"Okay. Let's have our warm dinner to our cozy kitchen."

Kinuha niya ang kamay ko. Nagpahila naman ako sa kanya saka naglakad kami papunta sa kusina. Pagdating namin sa kusina ay nakatakip na yung mga pagkain. Pagtanggal niya sa takip ay nandoon nga yung mabangong adobong paa ng manok at yung atay. Magkaibang lalagyan sila, siguro ay pinaghiwalay sa pagluto.

"Sandali lang, may binili akong hinog na langka kanina. Natakam kasi ako dahil hinog na. Kukunin ko lang sa kotse."

"May binili ka?" Napahinto siya sa paghila ng upuan.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon