Chapter 03

1.2K 18 0
                                    

Ang aking mukha na malapit ng masunog dahil sa sinag ng araw ay natabunan nang isang anino. Pero nang mag-angat ng tingin ay hindi literal na anino ang tumabon sa'kin kundi ang malapad na katawan ni Ullyseus.

"Naggy-gym ka?" Imbes na hindi yun ang itatanong ko ay yun ang lumabas sa bibig ko.

Kumunot ang noo niya saka lumuhod sa tabi ko. "What happened here?"

Ibinalik ko ang tingin sa aking bisekleta na sumabog ang isang gulong. "Nakaapak ng basag na bote dito. Ayun yung kinuha ko oh." Tinuro ko yung tinanggal kong remnants ng basag na bote.

"Tinanggal mo agad? Paano kung nagkasugat ka?"

Nilaparan ko ang palad ko para makita yun. "Hindi naman. Nag-ingat ako."

"Tsk, let's buy a new tire. Wala ka bang pasok ngayon?" tanong niya at kinuha ang bike ko, siya ang nag-alalay papunta sa may parkingan ng bike sa complex.

"Wala dahil exam ng mga juniors ngayon. Ikaw? Akala ko ba may eskwela ngayon?"

"Mamayang gabi pa yun, remember?" sagot niya na nakataas ang kilay.

Oo nga pala. Ngayong first semester niya ay online class lang siya pero next semester ay nangako siya sa parents niya na babalik siya sa America para umattend sa Yale. Doon siya nag-aaral dahil doon gusto ng mommy. He's attending his business major there. Last year ay first semester din siyang hindi pumasok doon sa Yale at sa second semester na pumasok... dahil yun sa'kin.

Hindi talaga niya ako iniiwan kahit gusto ko siyang paalisin, tinutulak ko naman siya palayo pero sadyang matigas siya kaysa sa'kin, ayaw niya akong iwan kahit anong mangyari.

Siya lang ang tunay kong kaibigan pero siya ay marami siyang mga kaibigan na mga lalaki, siguro ay espesyal ako sa kanya dahil ako lang ang babaeng kaibigan niya. But I'm always the girl space friend for him.

"Paano ka ba pupunta sa tindahan ng tire? Anong gamit mo?" tanong ko habang naglalakad pa kami papunta sa loob ng apartment ko.

"I just used my big bike." He nodded his bike. Isang motor yun palagi niyang ginagamit kapag pumupunta siya sa'kin.

Sinabihan ko siya na huwag magdala ng kotse dahil baka sabihin ng ibang tao na may boyfriend akong mayaman tapos nagtitiis lang ako sa isang kahon ng apartment ko. Ayokong palaging kinocorrectionan ko ang mga tao pero hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang sagot ko. Ngayon ay wala na akong pakialam pa sa kanila dahil baka tumanda lang ako ng maaga.

I was still eighteen and I wanted to live longer than them.

"Ano bang gusto mong pagkain? Magluluto ako ngayong tanghali."

"Magluluto ka na naman ng hindi masarap?"

Sinuntok ko ang braso niya na nagpalabas ng aray mula sa kanyang bibig.

"Loko ka, eh bakit mo naman inuubos yung pagkain ko kung hindi pala masarap?"

Nagtaas lang siya ng kilay. "It's because nakakahiya sayo kung hindi ko kainin kaya kahit hindi masarap ay kinakain ko nalang. Saka sayang ang ingredients, mahal pa naman ang mga bilihin ngayon." Ewan ko lang kung tukso niya lang yun para inisin ako kasi gusto niya talaga akong inisin. Masarap yun para sa kanya.

Inirapan ko lang siya dahil isa siya sa magpapatanda sa'kin kapag nakinig lang ako sa kanya.

Pinauna niya akong makapasok sa loob ng apartment bago siya. Siya na ang naglock. Kung may nakakakita lang sa amin palagi na pinapapasok ko siya sa loob ng apartment ko ay baka sabihin na mag-asawa kami o di kaya naman ay baka madumi ang nasa isip nila tungkol sa'kin dahil pinapapasok ko siya. Marami pang conservative dito sa mundo at minsan ay hindi na healthy ang utak ng iba dahil ang sama ng nasa isip nila.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon