Napatingin si Ully sa akin nang ilayo ko ang adobong manok mula sa harap ko. Isa yung gusto kong pagkain pero ngayon ay nakita niyang itinanggi ko. Kinuha ko yung isang basong tubig na sinalin niya para sa'kin.
"Hindi mo ba gusto yung adobo?" tanong niya na may kasamang nakataas na kilay.
Umiling ako. "Busog na ako." Pagsisinungaling ko.
"But you haven't touched your food yet." sagot naman niya.
Bumuntong-hininga ako. Ayokong magsinungaling sa kanya pero hindi pa din ako handa para sabihin sa kanya yung tungkol sa pagbubuntis ko. Kung sabihin ko sa kanya ay baka... ewan ko nalang kung ano ang mangyayari.
"Kanina kasi ay may kinain ako. Pero itabi mo nalang yan diyan dahil sayang. Kakainin ko nalang yun mamaya." I lied again.
Hindi ko na makakain yun dahil hindi tanggap ng sikmura ko, baka isuka ko lang. Buntong-hininga lang ang natanggap ko mula sa kanya. He sipped on his glass again before going back to eat again.
"Kainin mo nalang ito please." Turo ko sa plato ko na mayroong pagkain.
Kunti lang naman ang inilagay niya sa plato ko kahit ang sabi ko naman sa kanya ay hindi pa muna ako kakain. Dahil yun sa amoy ng adobo, ayoko ng amoy at mas lalong ayokong kainin yun. Ang sarap ng pagkakaluto niya pero hindi pasok sa senses ko.
It must be my pregnancy. Being sensitive was a part of pregnancy. My body started showing some signs of being pregnant but I was good at hiding it. And I was good at lying. I was on my tenth weeks of my pregnancy.
Sa eskwelahan ay hindi ako nahihirapan na itago ang pagbubuntis ko dahil sa suot kong uniform. Ang kapal din ng uniform ko at hindi pa naman halata ang tiyan ko dahil magthe-three weeks palang naman ito.
Ang hinihiling ko lang ay hindi lumaki ng masyado ang tiyan ko. Kasi kapag lumaki ay talagang magkakaproblema ako sa tingin ng ibang tao. People were mean, so mean and they always wore the word judgemental over their heads.
Tumayo muna ako mula sa silya ko at naglakad papunta sa kama. Kinuha ko ang bag na nasa gilid nun at kumuha ng pera sa pitaka. Kumuha din ako ng payong dahil ang init sa labas. Since naglalunch pa si Ully ay pupunta lang muna ako sa nagtitinda ng prutas sa tabi ng groserya.
"Alis muna ako Ully, pupunta lang ako sa tabi ng groserya at bibili ng prutas." Pagpaalam ko.
"Sama ako." sagot niya saka binitawan ang pagkain.
"Wag na. Malapit lang naman ang groserya kaya hindi mo na ako kailangan pang samahin. Tapusin mo lang muna ang pagkain mo. May ipapabili ka ba?"
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Ang gusto kasi niya ay sumama sa'kin pero kumakain pa kasi siya! Hindi naman pwedeng iwan yung pagkain na nakabalandra sa lamesa kasi baka dapuan ng langaw, hindi na niya makakain yun. At sayang naman.
Imbes na mangulit ay kinuha niya ang pitaka sa likod ng bulsa ng suot niyang trousers at kumuha ng one thousand bill at inabot sa'kin.
Nagtataka kong inabot yun.
"Yan ang gastusin mo sa pagbili ng gusto mo. Huwag kang gumastos gamit ang pera mo dahil pinagpupuyatan mo yan." Mariin niyang sagot pero sa bandang huli ay may lambot pa'rin sa tono niya.
Napasimangot ako. "Fine. Thank you." sabi ko at tinago nalang sa bulsa yung pera na kinuha ko.
"Sige na, baka mas dumami pa ang tao sa labas."
Tumango ako at lumabas na. Dala yung payong ko ay binaktas ko yung daan pababa ng apartment building para makarating sa labas. Mabuti nalang at hindi masyadong mataas yung building kasi mahihirapan ako ngayong buntis na ako.
BINABASA MO ANG
Uggo
RomanceNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...