Chapter 38

711 16 0
                                    

Once a week ako pumupunta sa opisina ni Uggo. Pinayagan niya akong bisitahin siya at kapag nandun ako ay wala din naman akong ibang ginawa kundi ang manuod sa kanyang magtrabaho, matulog, o kumain o di kaya ay manuod lang ng kung ano sa laptop niya.

Imbes na madistract siya sa gitna ng trabaho dahil sa akin ay ginaganahan pa siya dahil alam niyang nanunuod ako sa kanya. Kahit isang beses lang sa isang linggo ako pumunta sa opisina niya ay ayos lang sa akin at least hindi ako nababagot sa bahay kasi lumalabas ako.

Nang Byernes ay nagpaalam ako kay Uggo na pupunta ako kina Maia para bumisita lang sa kanila. Gusto ko lang kasing bisitahin yung kaibigan kong yun dahil ang sabi naman niya sa'kin ay kung wala daw akong ibang gagawin ay pwede akong pumunta sa kanila kaya pumunta na ako.

Pero bago pa ako inihatid ni Uggo ay marami siyang bilin sa akin. Kesyo hindi ko daw makalimutan yung pagkain ko at kung may problema daw ako ay tawagan niya. Syempre ay pupunta siya sa opisina para magtrabaho, may bago kasi siyang dinidevelop na laro, isang online game na naman ang papasikatin niya.

Habang nasa byahe kami papunta sa bahay nina Maia ay nakikinig lang ako kay Uggo sa bilin niya at sa iba pang tanong.

"Wala ka bang gusto na'ting bilhin pa like fruits or flowers or anything."

"Hindi na. May dala naman akong cinnamon rolls para sa kanila at okay na ito." sagot ko.

Natahimik naman bigla si Uggo. Siya ang nagmamaneho ngayon dahil day off ni manong Iskoy. Siya din ang magsusundo sa akin mamayang hapon. Alas dos niya ako kukunin mula kina Maia at diretso na kami sa pag-uwi nun.

"Nasasakal ka ba sa'kin, Harry? Masyado ba akong mahigpit sayo o di kaya ay over-acting? I know I'm over-acting, but like I said before, you can't blame me for being like this. This is already me since then."

My jaw dropped. Inabot ko ang kanyang balikat at hinimas ito. "Paano mo nasabi yan? Hindi naman ako nasasakal sayo. I know you're over-acting but I like-no, I love you that way. And please don't change."

Isang kamay niya ang inabot ang kamay ko na nasa balikat niya habang yung isang kamay ay nasa manibela. Sinulyapan niya ako na may ngiti sa labi saka ibinalik na'rin ang kanyang mga mata sa daan.

"Thank you. But I can't help but to ask myself over and over again kung masyado ba akong over-protective at baka nasasakal ka na."

"Hindi ako nasasakal sayo, Uggo. Matagal na sana akong lumayo sayo at iba na ang kasama ko kung hindi ko gusto yung pag-aalaga na ibinibigay mo sa'kin."

He made a tiring sigh. "The thought of you with another guy makes me sick. Hindi ko yata masisikmura na may iba kang kasamang lalaki o kahit sino pang klaseng tao yan. I didn't just sacrifice my whole life as a son to my parents just to be someone else. I sacrificed being a son because I want to be with you. Yes my dad knew about you, tanggap niya pero hindi ang mommy. Alam mo na na na ayaw ni mommy na mapunta ako sa hindi niya gusto."

That's kind of sad. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa sinabi niya. Pero nang makitang napayuko ako at iba ang hilatya ng mukha ay kinuha niya ang kamay ko at dinala sa ibabaw ng hita niya.

"I love you. And I'll marry you. I'll take care of you and our baby and future babies for the rest of my life. Asahan mo yan." he asserted with a very sweet smile on his face.

"I love you. Pasensya ka na kasi hindi ako mayaman. Wala akong maibibigay sayo." sabi ko, biro sana yun pero lumabas na seryoso.

He chortled and squeezed my hand lightly. "Nonsense. Hindi mo obligasyon na magbigay sa'kin dahil ako ang dapat na magbigay sayo niyan. All I want from you is to love me wholeheartedly, yun lang ang kailangan ko mula sayo. I don't need material things-expensive or not because I already have those. Your love for me is priceless already."

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon