Chapter 14

807 18 0
                                    

I sipped on my strawberry as I flipped the page of the book I was reading. I put down the glass on the table beside and focused on reading again. It's a fine mid-afternoon Monday when I decided to read a book. Since I didn't much to do, I only read and relaxed my ass against the leather sofa.

Ang ganda ng panahon at ang hangin sa dalampasigan na umaabot sa beach house. It's so peaceful that I even heard my own breathe working.

Wala akong kasama dito sa beach house ko dahil may inaasiko si Uggo sa kanyang trabaho. Kahit malayo siya ay nakatutok siya sa laptop niya para humingi ng updates sa kanyang secretary. Last night he gathered some data and read it before giving a thumbs up to his employees.

At ngayon ay mayroon siyang meeting sa isang board member niya sa kanyang kompanya. Then later on, he would talk to his Executive Senior Vice President. Uggo was the Chairman and President of his company. Then mayroon siyang CEOs sa kanyang kompanya. He didn't only have one CEO but two. Yung isa ay siyang nangangalaga sa isa pa niyang business which was related naman sa games.

Ewan ko lang kung bakit ang dami niyang leaders sa kompanya niya eh hands-on naman siya sa lahat ng kompanya niya. Yung ESVP niya at EVP ay parehong nakakataas sa CEO, hindi lang yun ay mayroon pa siyang COO. But all I knew, he's really that hands-on and I thought he made two leaders except for his CEOs because he wanted to give chance to others to be a leader and take care of his company.

Nakita ko pa nga sa app store yung isang game niya na idadownload. At nagulat ako nang umabot na ito ng one hundred million downloads kaya siguro super hands-on siya kahit may mga leaders siyang pwedeng maghirap para sa kanya.

Naalala ko yung ginawa niya sa akin. Kung gaano siya mag-alaga sa akin ay ganun din siya sa passion niya bilang business man at game developer. Uggo was really smart. He wouldn't soar up that high if it wasn't for his dedication and intelligence.

He deserved to be called a billion dollar man because he took billion opportunities and hard-work before he got what he wanted and now he smelled dollar. That man was a walking dollar.

May nakita ako sa magazine na may kaedad din siyang parehas billion na ang inabot. Nakakahanga ang ganoong klaseng mga tao na ang daming sakripisyo na ginawa bago maabot ang ganung success. Nakakabilib sila, sobra.

Nang sumakit ang mata ko sa kakabasa sa mga letra na nasa libro ay ginamit ko ang isang post card bilang bookmark at sinara ang libro. Inilagay ko lang muna ito sa ibabaw ng lamesa saka kinuha ang baso na hindi na malamig yung shake.

Hinugasan ko lang ang baso ko at hinayaan na malusaw ng tubig ang natirang shake sa baso dahil kunti lamang yun kaya ayoko ng uminom. Uminom lang ako ng tubig na galing sa bottled water saka binalik ulit yun sa refrigerator.

Naglakad ako papunta sa kwarto. Binuksan ko yung bintana doon para pumasok ang hangin since hindi ko naman binuksan yung aircon kasi hindi na kailangan at para din makatipid pa sa kuryente. Umupo ako sa isang silya na katabi ng kama at tumingin sa labas.

Gusto ko lang ipahinga yung mga mata ko kasi kapag magcellphone pa ako ay baka mapaano pa ito.

Bumuntong-hininga ako at nilasap ang simoy ng hangin. Kapag lunes ay may trabaho ako. Hindi ako tumitigil hanggang hindi ako nakatapos sa pagtrabaho kaya ang saya ko sa bakasyon kong ito na wala akong trinatrabaho sa paggawa ng furnitures.

Bihira lang sa lunes na araw makapagrelax. Lazy day ko rin sa Davao ang lunes dahil linggo yung day off ko tapos papasok kinabukasan at nakakabitin kung isang araw lang ang day off. Para lang nasa eskwelahan ako nito dahil nakakatamad talagang pumasok kapag lunes. Gusto ko nalang ay tumambay.

Pero sa bakasyon kong ito ay susulitin ko talaga ito para pagdating ko sa Davao ay handa na akong magtrabaho ulit.

Nakatulog ako sa kwarto ko at hindi ko alam kung anong oras akong nagising. Basta ang nakita ko lang sa labas ay nasa alas kwarto na ang araw kaya ibig sabihin nun ay medyo napabaha ang tulog ko.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon