Sumama ako kay Uggo pa-norte pero hindi ibig sabihin nun ay sasama din ako sa kanya papuntang ospital kung saan inadmit ang daddy niya. Baka magkita kami ng nanay niya kapag sumama pa ako sa kanya knowing na mainit ang dugo nun sa akin noon, ano pa kaya kung malaman niya na ako ang gusto ng anak niya hanggang ngayon.
Edi mas lalong iinit ang ulo nun sa akin.
Sumama lang ako kay Uggo dahil mag-isa lang ako sa Davao pero gusto ko rin na damayan siya. Masyadong mataas ang respeto niya sa daddy niya kaya ganun nalang ang pag-alala niyang lumuwas pa-norte para lang makita ang lagay nito.
Uggo decided to bring me into his house. Binili niya daw yun kay Oxford dahil mayroong sariling bahay si Oxford kaya binenta ito sa kanya. But before we went to see his house, we got into the restaurant first to dine. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom kaya huminto lang muna kami sa isang restaurant para kumain.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ko.
"Bakit? May masakit ba sayo?" Agad niyang sagot sa nag-aalala na tono.
I shook my head. "Hindi naman. Nagtatanong lang." I replied nonchalantly.
"Malapit na tayo. Kunting tiis nalang. Does my baby want to rest now?" tanong niya ulit sa malambing na boses.
"Hindi ko alam. Hindi pa nga malaki yung fetus." sagot ko rin na nakataas ang kilay.
He chuckled. "I'm not talking about our baby, I meant you. You're both my babies but since our child isn't born yet, papabusugin kita ng tawag na yun." Diretsong tingin niyang sagot sa akin.
I smiled a bit but I bit my tongue to stop myself from chuckling. This guy had a cheese in his bones.
Pagkahinto niya sa harap ng gate ay bigla itong bumukas dahil sa guwardiyang bantay. Hindi ito kagaya doon sa Davao na automatic yung pagbukas ng gate niya kung yung sasakyan niya ay nasa tapat na.
Nalula ako sa laki ng mansyon niya. Parang bumalik ako sa dati noong una niya akong dinala sa mansyon nila. I was pregnant back then too and now he brought me into his own mansion with a baby in my womb again.
Masyadong kakaiba ang mansyon niya kumpara sa mansyon ng parents niya. This was painted in matte pastel blue outside and it's a French style manor. Sa bubong ay kulay asul ang kulay din. Binati kami ng guwardiya saka sinarado ang gate. Ihininto ni Uggo ang sasakyan niya sa gilid.
Nauna siyang bumaba bago ako tinulungang pababain mula sa kotse niya.
"Ang ganda ng mansyon na'to kumpara sa mansyon ng parents mo." Pagpuri ko.
"Thank you. Hindi ko inaasahan na bibilhin ko ito dati. I just bought this mansion as my replacement of my old penthouse. Hindi ko na yun nagagamit kasi halos sa Davao na'rin ako dumidiretso galing Canada. And when we fixed our relationship, I thought about my future ahead with you. And now I'll have reasons to stay here for good because we're having a baby. Pero ikaw pa'rin ang masusunod kung saan ka maninirahan. I like here, pero mas gusto ko kung nasaan ka ay doon din ako."
Nahihiya akong tumingin sa kanya at nagpakawala ng hangin. Sobrang ganda ng mansyon na ito. Hindi ko inaasahan na sa loob ng ilang araw ay dito ako maninirahan sa isang mala-palasyong tahanan ni Uggo. This was a dream come true. I thought my young self would be proud of me for living here like a princess—not just a princess but a queen.
"Ayos lang sa akin kung dito manirahan. Ang ganda ng bahay mo sa Davao pero mas maganda din dito. Salamat dahil binili mo ito."
Nagpasalamat pa ako na binili niya ang mansyon mula kay Oxford. Nagtawanan nalang kami ni Uggo bago siya nagyaya na pumasok kami sa loob.
BINABASA MO ANG
Uggo
RomanceNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...