Chapter 34

680 15 0
                                    

Napatuwid ako ng upo nang marinig ko ang pamilyar na boses ng nanay ni Uggo. Ang dami kong tanong na hindi ko alam kung paano ko makukuha ang sagot kagaya ng paano nakapasok si Mrs. Cantallejo, mahigpit na ipinagbabawal ni Uggo na pumasok si Mrs. Cantallejo kahit pa man nanay niya ito.

Mrs. Cantallejo titled her head and watched me intently with her brows knotted firmly and lips puckering.

"You're familiar. I think I saw you somewhere."

Hindi niya pa ako matandaan. Tapos ay bigla nalang sumunod yung dalawang security. Napatayo ako dahil hinawakan nila si Mrs. Cantallejo at pilit na pinapalabas.

"How dare you to touch me?! Talagang sinusubukan niyo ako ha!" Galit nitong asik sa dalawang security.

"Ma'am hindi po talaga kayo pwedeng pumasok. Mahigpit po kayong ipinagbabawal na pumasok ni sir." sabi nung isang security.

Wala akong nagawa kundi ang umatras.

"Bakit?! Dahil ba sa babaeng ito?!" Tinuro ako ni Mrs. Cantallejo.

Biglang lumabas si manang Sario at agad akong hinawakan sa braso.

"Teka! Bakit niyo pinapasok ang babaeng yan?! Sino ba yan ha?!"

Ang lakas ng boses ni Mrs. Cantallejo kaya yung ibang mga kasambahay at nagsilabasan na dahil sa kanya.

"Pasok ka muna sa loob ma'am. Kami na ang bahala dito." bulong ni manang Sario sa'kin.

Susunod na ako sa sinabi niya nang magsalita ulit si Mrs. Cantallejo. "Teka lang! Parang namumukhaan kita ah! Tama-ikaw yung babaeng dinala ng anak ko sa pamamahay namin! You're that girl from the orphanage!"

"Sige na pumasok ka na. Huwag kang lalabas hanggang hindi umaalis ang nanay ni sir." bulong sa akin ni manang Sario.

"Bakit niyo pinapapasok yan?! She's a golddigger! She would just take my son's wealth! Lahat ng ari-arian ng anak ko kukunin niya kaya bakit niyo ba siya pinapasok ha! Dapat pinapalabas niyo! Bitawan niyo ako! Gusto kong sabunutan ang babaeng yan dahil inakit niya ang anak ko! Pera lang ng anak ko ang habol ng babaeng yan!"

Yung dalawang security ay nadagdagan ng isa pa kaya naman ay hinila nila si Mrs. Cantallejo na lumabas ng mansyon. Pero habang hinihila palabas ito ay ang daming binitawan na mga masasakit na salita tungkol sa akin.

I wasn't going to take all Uggo's money if that's what she's scared about me. Noon pa man ay si Uggo na mismo ang nagbibigay sa akin at hindi ako. Umaangal na nga ako dahil nagsosobra na siya minsan pero gusto niya ay yung kontento ako sa mga pangangailangan ko.

Her son was utterly generous. Wala itong reklamo sa mga ginagastos pagdating sa akin. Hindi din siya madamot sa ibang tao pero may limitation kapag sa iba pero sa akin ay wala.

Hinatid ako ni Nilga sa kwarto ko at tinanong kung may gusto akong kainin dahil baka daw nagugutom ako. Umiling lang ako bilang sagot kasi wala akong ganang kumain. Baka kapag kumain pa ako ay isuka ko lang.

Yung pinipigilan ko lang na luha ay nailabas ko. Alam ko na hindi pwedeng mastress dahil sa baby pero hindi ko lang mapigilan ang emosyon ko.

Nang makita ko siya kanina ay parang pakiramdam ko ay katapusan ko na. Ayokong kaladkarin niya naman ako ulit gaya ng dati. Ngayong alam na niya na nandito ako, sigurado ako na hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako mapupunta sa pinanggalingan ako.

Pinahid ko ang aking mukha dahil nabasa ng luha nang biglang bumukas ang pinto. Naalarma ako dahil akala ko ay si Mrs. Cantallejo na nakasunod sa akin pero natanggal lahat ang pag-aalala ko nang makita ko si Uggo.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon