Nang umikot ako papunta sa halamanan ay nawala yung pagod ko nang lahat ng mga halaman ay nakita ko. They're therapeutic. Kapag may mga halaman talaga sa paligid lalo na yung mga namumulaklak ay ang sarap sa mata. Nakakawala ng anxiety.
Tuwing umaga ay nandito ako sa hardin para magpaaraw o di kaya ay tignan lang ang mga bulaklak. Kung sa kwarto lang kasi ako mamalagi ay hindi ko naman masyadong nakikita yung mga halaman dahil ang taas ng bahay.
Tuwing hapon naman ay nandito ako para malanghap yung sariwang hangin. Pero kapag tuwing alas otso na hanggang alas tres ay nasa loob ako ng mansyon dahil mainit na para tumambay pa sa labas.
Ngayong hapon ay pinagbihis ako ni Uggo para maging komportable ako. Aalis kami. He asked me to dine in a restaurant. Ang sabi ko kasi sa kanya ay hindi naman kailangan pero gusto niya ay lumabas kami para hindi daw palaging nasa loob ako ng mansyon.
Pero tama siya, kailangan kong lumabas kasi baka manigas ako sa loob ng mansyon. But it's just a joke. Okay lang naman ako sa loob ng mansyon, lumalabas naman ako kahit papaano pero hanggang sa garden lang kasi hanggang doon lang talaga ang gusto ko.
I wanted to go to shop for my maternity dress but Uggo already asked his secretly to shop for me. I was already on my fourth month of pregnancy and I was already showing. May maliit na baby bump na tumubo sa akin at hindi yun mukhang busog dahil pumorma na talaga ang tiyan ko.
And Uggo was so excited to know the gender of our baby... but I told him maybe we could ask the doctor about the gender of our baby during the sixth month or the last second trimester of my pregnancy. Kakapasok palang ng second trimester at gusto ko ay sa ika-anim na buwan pa para mas klarado.
Bumili na kami ng iilang gamit para sa baby. May damit na pero yung neutral color lang kasi hindi pa namin alam yung gender. Oxford and his wife gifted us the crib. Malaking crib na kasya pati ako. Pero kay Uggo hindi kasi ang laki niyang tao at baka masira yung crib kapag pumasok siya.
Somehow, I managed to carry this pregnancy even though I became so lazy and morning sickness sucked so much. Buti nalang ay kasama ko si Uggo kasi siya yung nag-aasikaso sa akin. Siya yung kumukuha ng maligamgam na tubig at ang nagtatali ng buhok—kahit hindi maayos, para hindi magkalat sa mukha o magkadumi.
Everyday my feelings for Uggo grew. Noong hindi niya nagawa sa unang pagbubuntis ko ay binawi niya sa pangalawang beses na nabuntis ako. Maselan ang pagbubuntis ko kaya suportado siya sa akin at hindi niya talaga ako pinapabayaan kahit nasa trabaho siya.
We talked about my birthing here. Hindi muna kami uuwi sa Davao kasi walang may mag-aalaga sa akin. Busy siya sa trabaho at kapag wala siya ay nandiyan naman sina manang Sario na mag-aalalay sa akin kapag may pinapakiusapan akong gawin.
Sa Davao ay walang mag-aalaga sa akin kapag nandito siya sa Norte. At kapag kaming dalawa lang doon ay mahihirapan siya dahil ang hilig niyang magpanic. Napabuntong-hininga nalang ako kapag nagpapanic siya but I found it cute.
I smoothed my silky pastel blue dress when I heard a soft knock. I turned my head and looked at the door. There's my king, leaning on the door frame with his masculine arms crossed over his chest. He's wearing a white shirt with a black shiny trousers with a pair of Gucci shoes.
"You look gorgeous." puri niya.
Ibinalik ko ang aking tingin sa salamin at sinipat muli ang aking repleksyon dun.
"Hindi ba pangit?" tanong ko.
Baka kasi nagbibiro lang siya para hindi sumama ang loob ko. Knowing him.
Naglakad siya palapit sa akin saka kinuha ang kamay ko at pinatakan ng halik.
"Sino ba ang nagsabi sayo na pangit yung mga sinusuot mo? You're more beautiful now because you're carrying my baby. And you'd be the most beautiful woman ever when you birthed our baby."
BINABASA MO ANG
Uggo
RomanceNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...