Chapter 16

381 9 0
                                    

I woke up with the warm breath brushing against the back of my neck. I moved my head a little together with a moan escaping from my lips. I thought my body was aching so bad because of what happened last night. Hindi manlang siya nagwarning sa akin na aabot pala alas hanggang alas dos ang escapade naming dalawa.

Uggo didn't move when I tried to lift his arm away from my belly. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya na halos hindi na ako makahinga. Nagtagumpay naman ako sa ginawa ko at dahan-dahang umupo sa kama.

Last night was incredible. We almost made it until five but I was exhausted and I badly wanted some sleep. Kung hindi ko pa siya pinigilan ay baka hindi na talaga ako makalakad.

It's eight in the morning, gusto ko pa sanang matulog kaya lang ay hindi ako makakatulog kung panay reklamo ang tiyan ko. Una kong ginawa ay naligo para marefresh ang katawan ko, hindi lang ang utak.

I wore denim shorts and my spaghetti strap t-shirt. Hindi nagising si Uggo hanggang sa matapos akong magbihis at kunin ang lahat ng damit na nagkalat sa sahig. Yung suot ko kahapon ay diniretso ko sa washing machine pero hindi ko yun pinagana kasi natutulog pa si Uggo at baka magising ko siya.

Pinulot ko ang kanyang damit na sinuot kahapon. Namula pa ang pisngi ko nang hawakan ko yung briefs niya. Pero minadali ko lang na takpan yun ng shorts niya saka tinupi at inilagay sa ibabaw ng upuan sa kwarto ko para mahanap niya agad at ng maisuot niya.

"Wala pa yatang balak magising ang taong yun." bulong ko habang naglalakad papunta sa kusina.

Nagugutom na ako kaya naman ay inuna ko munang isinangag yung natirang kanin kahapon saka nagprito din ako ng sausages. Pangmadalian lang dahil hindi na kaya ng tiyan ko.

Nang maluto yung sausages ay sinalin ko sila sa plato. Pagtalikod ko sa sink na hawak pa ang mainit na frying pan ay bigla nalang akong napaigtad nang may yumakap sa akin mula sa likod ko.

I was shocked for a sec but when I smelled Uggo's manly perfume, I relaxed my shoulders.

"Ginulat mo ako, Uggo. Alis na nga diyan, nagugutom na ako."

"Hmm?" He just groaned against my neck.

I rolled my eyes and made a fake frustrating sigh. Binaba ko yung kawali at naglakad papunta sa lamesa na hindi pa'rin siya humihiwalay sa katawan ko.

"Ano ba Uggo, ang bigat mo!" reklamo ko.

Ang bigat kasi ng katawan niya at parang sinasadya niyang pabigatin ang katawan niya sa akin para tuksuhin ako. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero walang epekto kasi parang gawa sa bakal ang braso niya.

Hinila ko ang silya para makaupo pero ang ginawa niya ay nauna siyang umupo sa silya na hinila ko at ang sunod niyang ginawa ay kinabig ang bewang ko at pinaupo sa hita niya. Malakas akong napasinghap sa pagkabig niya sa'kin, imbes na nagugutom ako ay hindi ako makakain ng maayos dahil nasa kandongan niya ako.

"Uggo, nagugutom na ako. Wala akong panahon para makipag-asaran sayo kaya magpakain ka ng hindi mo ako ginugulo." saad ko.

Hinilig niya ang mukha para makita ang ekspresyon ko. "Hindi naman kita ginugulo. I'm just letting you to sit comfortably on my lap. Gusto mo bang ako ang magpasubo?"

"Huwag, ako na!"

Nataranta ako ng kunin niya ang kutsara at aakmang sasandok na sa fried rice pero napigilan ko siya. Binaba niya ang kutsara na may amusement sa mukha. He's thick right brow was arching beautifully with a sly grin on his lips.

Kinuha ko ang kutsara mula sa kanya atsaka nagsimula akong sumubo ng pagkain. Nginuya ko ang pagkain sa bibig na nakatingin sa harap. Ang awkward kasi. Tahimik niya akong pinagmamasdan pero alam ko na nakangiti siya na parang ang saya niyang nakikita akong nahihiya.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon