Inaantok kong tinignan ang mga tahanan mula sa bintana ng sasakyan. Yung mga tao na nasa kalsada ay sigurado akong malalakas ang boses dahil sa pag-uusap. Kahit saan talaga ay walang pinipiling magtsismis. Nilampasan ang mga nagkukumpulang tao ng sasakyan ni Uggo.
Bumuntong-hininga ako at inayos ang aking pag-upo para maging komportable. We were now driving back home to my new place. Uggo insisted that I should find a new and most comfortable place to stay in whenever I liked.
Pumayag ako dahil kahit makipagtalo pa ako sa kanya ay hindi naman niya papakinggan. Sarili niya lang ang papakinggan niya at wala ng iba.
Kakabalik lang namin sa Davao mula Sacramento. Itong bagong sasakyan ni Uggo ay ito ang ginagamit niya kapag gusto niya akong sundan. A car that I would never get the chance to afford in this lifetime.
Bago pa kami umalis ng isla ay naglinis muna ako ng beach house ko. Ayokong iwan yun na madumi. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik kasi sa next summer ay baka magpanorte ako para na'rin masimulan ko ang pagnenegosyo.
Pagdating namin sa bayan ay dumaan muna kami sa supermarket para mamili ng kakailanganin namin sa bahay. Sabi niya ay babalik siya agad sa Pasay. Mayroon din siyang trabaho na naiwan sa Norte kaya kailangan din niyang bumalik.
And while he's gone, I was still under his care. Kaya niya ako pinalipat sa mas komportableng tirahan para daw hindi siya mag-alala. Dadaan muna kami sa maliit na bahay kong tinutuluyan para ayusin ang mga gamit at pati yung kotse ko. Kahit hindi yun kasing gara ng sasakyan ni Uggo ay mapapakinabangan pa yun kasi basta umaandar ay ayos pa.
"Anything else?" Uggo asked, I shook my head.
Tinulak niya ang cart papunta sa counter para bayaran ang pinamili namin. Pero nakakabagot na maghintay sa kanya kaya kinalabit ko siya. Lumingon naman siya sa akin at yumuko, masyadong malapit ang mukha namin.
Nahiya ako bigla dahil maraming tao ang nasa loob ng supermarket at pinagtitinginan pa siya. Sino ba kasi ang hindi pagtitinginan sa itsura niya. Mukha siyang foreigner o alien, dahil sa tangkad, kisig ng katawan, sa ayos ng pananamit, at sa lahat ng assets niya sa katawan ay hindi maiiwasang mapatingin sa kanya.
"What is it? Do you want to add more?"
Umiling ulit ako.
"Sa kotse na ako maghihintay." sagot ko saka tinignan siya para kunin ang sagot niya.
Tinignan niya muna ako saglit saka tumango. But he muttered careful that made my eyes rolled. Sobrang maaalalahanin niya.
Naglakad ako palabas ng supermarket papuntang sasakyan niya. Sumandal ako sa kotse dahil hindi ako pumasok sa loob. Nakita ko si Uggo na panay ang lingon sa akin kahit aabante na siya sa pila. Hindi naman mahaba ang pila dahil dadalawa yung cashier sa supermarket at mabilis lang na natatapos ang pagbabayad.
May nakita akong nagtitinda ng pizza sa tabi ng supermarket. Kinapa ko ang bag ko na dala. Kinuha ko yung wallet ko at naglakad ako papunta sa may tindahan. Maliit lamang yung tindahan.
Naisip ko kasi na hindi kami makakakain agad ng lunch dahil magluluto pa. Kaya yung pizza nalang ang kakainin namin para hindi kami magutom agad sa kakahintay sa pagluluto.
I bought two boxes of pizzas. Bubuksan ko na sana ang wallet ko nang may nag-abot ng bayad para sa akin. Paglingon ko ay si Uggo pala.
"Ako na sana ang magbabayad." sabi ko.
"Let's not argue over it." bulong niya pabalik.
Kinuha ko yung sukli nang maiabot ng tindera kasi hindi na sana yun tatanggapin ni Uggo pero sayang yung sukli. Ang daming tao ang nangangailangan ng pera kaya pati yung sukli ay hahabulin pa'rin kahit pa man may pera ka na naipon kasi hindi na'tin alam kung kailan tayo maghihirap. May panahon kasi na naghihirap tayo kaya kahit mayaman pa ang isang tao ay may panahon talaga na maghihirap ito.
BINABASA MO ANG
Uggo
RomanceNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...