"Magpacheck-up ka sa OB para makasiguro ka na okay lang yung baby. Kung anong bawal sayo ay sundin mo. Kung natatakot kang sabihin yan sa parents mo labanan mo lang yung takot mo at magiging okay lang."
Yun ang huling sinabi ng school nurse sa'kin bago ako lumabas ng clinic. Para akong nakalutang sa ere dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko—hindi dahil sa masaya ako kundi sa lutang ang utak ko sa iniisip.
I was pregnant.
And that's what I didn't expect.
I couldn't believe it because when I made the baby with somebody else, I couldn't remember how it happened. Kung si Ully man ang kasalo ko sa dugo at laman na nasa aking sinapupunan ay nakakatakot. Ayoko lang talaga na masira ang relasyon namin bilang kaibigan. Magkaibigan kaming dalawa at siya lang ang tanging sumusuporta sa akin.
Yung problema ko ay yung schedule ko sa trabaho at sa pag-aaral tapos dumagdag pa itong pagbubuntis ko. Dang, I didn't even know how to take care of myself let alone to take care of my own child.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng buo sa apartment. Pag-uwi ko ay bumuhos ang luha ko. Binuhos ko yung sama ng loob ko sa loob ng apartment. I was just a kid, I didn't know what to do.
Kung nag-eexist lang ang time machine ay baka gumawa ko ng itama ang lahat ng pagkakamali ko. Baka nga buhay pa yung mga magulang ko kung mayroon mang ganung klaseng invention. But that damn thing was just fictitious. It's not true.
Hindi pa nga nakapagbihis, nakahiga lang ako sa kama habang binubuhos ko yung ginawa kong kasalanan. I admitted the baby was just a mistake, pero wala siyang kasalanan. It's not his or her fault that he or she had a irresponsible parents-to-be.
Ilang oras akong umiyak lang, matagal bago ko napatahan ang sarili ko. Sobrang bigat ng ulo ko pero pinilit kong kumain kahit wala akong gana. I just heard from the nurse that I should eat for the sake of the baby. Ang dami niyang sinabi na hindi ko manlang masyadong pinagtuunan ng pansin kasi wala akong ibang maintindihan.
Ang prinoproblema ko talaga ay kung baka malaman ni Ully na buntis ako at hindi ako sigurado kung sino ang tatay ng baby dahil hindi ko talaga alam. Alam kong malaking katangahan yun pero wala na eh, kahit anong gawin ko ay hindi ko maibabalik ang panahon. Tapos paano ko mapapalaki ang bata kapag maipanganak ko? Paano ang pag-aaral ko? Hindi pa ako makaka-graduate ay malaki na ang tiyan ko.
Kinabukasan ay pumasok ako sa eskwelahan na hindi ganado para sa bagong lessons namin. Pero kahit tinatamad ako ay pinili ko pa'ring magkaroon ng kaalaman. I didn't want to waste my studies, hanggang hindi pa lumalaki ang tiyan ko ay ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Mayroon namang may nag-aaral na buntis pero tinatago lang nila ang tiyan. Nakakahiya man yun pero lilipas din ang panahon.
Kahapon ko pa lamang nalaman na buntis ako ay tinubuan na agad ako ng kaba para sa future ko. Ang dami kong problema.
"Okay get your lecture notebook and copy what I wrote on the board." utos ng guro sa amin.
Binuksan ko ang notebook ko saka isinulat ko rito ang sinulat ng teacher namin. Kahit wala akong gana dahil nahihilo ako ng kunti. Tahimik kaming lahat nang magsimula kaming magsulat.
Patapos na ako nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko. Tinapos ko muna ang sinusulat dahil patapos naman ako at tinago ko ang notebook ko sa loob ng bag pati yung ballpen bago kinuha mula sa bulsa yung cellphone.
Binasa ko ang text mula kay Ully.
Speaking of him, hindi pa siya dumalaw sa apartment ko kagabi at mabuti nalang at hindi siya dumalaw dahil wala ako sa tamang huwesyo. Binasa ko ang text message niya.
BINABASA MO ANG
Uggo
RomanceNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...