Chapter 35

721 13 0
                                    

Napatawa ako sa reaksyon ni Uggo na nasa tabi ko. Hindi ko inaasahan na ganito yung reaksyon niya nang malaman namin yung gender ng baby. We went to our OB's clinic a little earlier ago because of our appointment. And I was really excited to know the gender of baby.

Hindi na ako makapaghintay na umabot pa ako sa ika-anim na buwan para lang malaman ko yung gender. I wanted to know the gender so bad. Yun din naman ang gusto ni Uggo para ma-reno na yung kwarto ko.

Yung kwarto ko ay gagawing nursery dahil connected naman ito sa kwarto niya. So yung master's bedroom ay yun na yung kwarto naming dalawa dahil sa napag-usapan naman namin na doon nalang ako sa kwarto niya matulog since palagi naman siyang pumapasok sa kwarto ko para doon matulog. So why not just we sleep together in one room.

Kailangan din kasi na nasa kwarto ko siya dahil gabi-gabi kahit tapos na akong kumain ay nakakaramdam ako ng gutom sa loob ng ilang oras. Yung malala pa ay tuwing madaling araw ako dinadalaw ng gutom kaya walang nagagawa si Uggo at lumalabas nalang siya para kumuha ng pagkain.

Hindi niya ako pinapasama sa baba dahil hindi na ako masyadong nakakalakad ng mabilis dahil ang sakit din ng paa ko saka ang laki ng tiyan ko. I thought we're going to have a twins but it turned out we only had one but my belly was big.

Nagiging conscious na ako sa sarili ko na to the point hindi ko na matignan ang sarili ko sa salamin kasi nakaka-insecure yung katawan ko ngayong buntis ako. But every time I felt down, Uggo was always consulting me that I should not be insecure of my body. He said that I was carrying our baby and he loved to see me changed as a woman and a mother.

Uggo wanted to see my body changed that's why he said that I shouldn't feel insecure. Feeling insecure would do no good for me.

"Ayos ka lang ba?" Natatawa kong tanong sa kanya habang naghihilamos siya gamit ang kanyang kamay.

Parang malaki ang problema ng isang 'to. Nalaman lang yung gender ng baby namin ay parang binagsakan na siya ng malalaking bato.

Bumuntong-hininga siya at tinignan niya lang ako na parang nanghihingi ng tulong pero tinawanan ko lang siya habang binubuklat yung magazine na binili niya para may basahin ako. It's about birthing and taking care of a baby kaya nagka-interes ang gago at binilhan ako. Excited kasi siyang maging tatay pero ngayong nalaman namin yung gender ng baby ay parang gusto niyang maiyak.

"Mapapa-away ako nito kapag lumaki na yung baby na'tin. Pagbabawalan ko din na manligaw si Bear pati yung anak nina Oxford—damn that guy, lalaki pa ang anak ng gago. Kahit kaibigan ko yun, bawal manligaw si Kamp pati yung magiging anak ni Phinneas." bulong niya.

Napairap ako.

"Sira ka talaga. Eh mga baby pa yung mga bata. Yung anak ni Phinneas nasa tiyan palang. Hindi pa nga pinapanganak pinagbabawalan mo na agad."

"Basta bawal. I was serious babe when I said I'd hire a hundreds of security guards if we'd have a girl. Ngayon, babae ang magiging anak na'tin ay totohanin ko na ang sinabi ko."

Hinampas ko sa kanya yung magazine na hawak ko sa braso niya. Napalingon naman siya sa akin at napaawang ang labi.

"Ang over-acting at ang over-protective mo. Kapag itong anak na'tin maging rebelyosa paglaki, ikaw talaga ang sisisihin ko kasi hinihigpitan mo siya."

"Babe, I'm just protecting our girl. Hindi ko siya hihigpitan sa ibang kagustuhan niya—except, sa mga manliligaw kasi ayokong maging broken hearted na siya pagdating niya ng thirteen."

I scoffed. "Ito talaga—edi kakausapin na'tin siya kapag magkaroon ng boyfriend. Pwedeng magboyfriend pero walang sex ganun. Ang bata pa para sa sex."

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon