Chapter 10

942 15 0
                                    

The sound of the wave waving back and forth to me and Uggo. The flickering ember we made out of the dried woods flashed in front of us. We're just a few inches away from the fire enough to make us warmer.

Katatapos lang namin kumain ni Uggo at nagpasama ako sa kanya na tumambay lang muna sa labas ng beach house ko kasi matatagalan akong makatulog. Kanina pagkatapos naming magswimming ay nakatulog ako, kung hindi niya ako pinagdalhan ng pagkain ay hindi ako magigising agad dahil ang sarap ng tulog ko.

"It's still early no?" I started as I embraced myself.

I wasn't shivering because of the cold although I had blanket wrapped around me, I was still a little cold because I was wearing a thin t-shirt. Yung suot ko kanina ay yun lang din ang suot ko. Hindi ako masipag maglaba kaya kung ano ang suot ko ay kanina ay yun din ang susuotin ko. Saka puro maninipis na damit at swimsuits, at manipis na nightdress ang dala ko dahil ang akala ko talaga ay ako lang ang mag-isa sa isla.

"Are you cold? Is the fire not enough to make you warmer?" tanong niya nang lingunin ako.

"Hindi okay lang. Hindi ako nilalamig dahil may nakabalot na tela sa'kin." tugon ko saka nagtanong ulit. "Anong oras na ba? Maaga pa ba?" I nodded at his watch.

Itinaas niya ng bahagya ang suot na relo. "It's eight twenty-six." anunsyo niya.

"Maaga pa pala."

Sasakit lang ang likod ko sa kakahiga kapag hindi ako makatulog agad. Saka wala naman akong ganang manuod ng TV at magcellphone. What I wanted was something to drink. But thinking about the last time I got drunk, nauwi sa hindi inaasahang pangyayari lalo na kapag si Uggo ang kasama ko.

Nanatili lang kaming muna ni Uggo sa labas hanggang siya ang magyaya sa akin na pumasok na dahil humihina ang apoy at mas lalong lumalakas ang hangin kaya lumalamig na ang klima.

Pumayag akong ihatid niya ako papunta sa bahay ko kahit hindi naman kailangan pa dahil ang lapit lang.

"Gusto mo bang magkape muna bago ka pumasok sa beach house mo?" yaya ko dahil ang aga pa para umuwi siya at matulog agad.

"Sure, coffee's fine." sabi niya.

"Don't worry, hindi naman totoo yung hindi ka makakatulog agad kapag uminom ka ng kape. Aantokin ka pa nga."

Nagkibit-balikat siya na may maliit na ngiti sa labi.

Agad kaming pumasok sa loob ng beach house. Isinampay ko ang blanket na ginamit ko sa sofa bago dumiretso sa kusina at gumawa ng kape. Umupo siya sa stool sa harap ng island counter.

"Gusto mo ba ng maraming asukal? Sorry wala akong cube na asukal dahil wala akong nahanap sa mart sa bayan."

"It's okay, I'd like my coffee to be slight sweet. Hindi naman ako mahilig sa matatamis."

"Okay." agad kong sabi at kumuha ng tasa para sa aming dalawa.

I brewed coffee for us, yung sa'kin ay linagyan ko ng gatas dahil hindi ako mahilig sa black coffee pero kapag gusto kong uminom ng black coffee ay umiinom naman ako.

Inilagay ko sa tapat niya ang tasa na may lamang kape niya saka umikot ako palabas ng kusina. Niyaya ko siyang sa sala nalang kami uminom ng kape habang nakatingin sa labas, binuksan ko ang isang bintana para pumasok yung malalim na hangin.

"Hmm, kailan mo balak umuwi Uggo? Alam ko na marami kang gawain at hindi enough yung virtual meetings mo. You know kailangan ka rin ng mga tauhan mo, yung presenya mo bilang isang presidente ng kompanya mo."

Sumimsim muna siya ng kape, pagbaba niya nito ay saka siya nagsalita. "Ikaw? Kailan ka uuwi?" he answered stoically.

"Ako? Bakit naman sa'kin napunta ang tanong ko eh ikaw naman ang tinatanong ko kung kailan ka uuwi."

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon