Chapter 22

698 19 0
                                    

"What's this? You got yourself pregnant, Harry?"

Parang mahihimatay ako nang nasa hawak niya yung sonogram ng namatay kong baby. Napatingin pa siya sa kahon kung saan ko tinago lahat ang mga gamit ko. From my old pregnancy tests, sonograms, and my old high school stuffs like journal and many more.

"Nabuntis ka? At hindi ko lang nalaman."

"Uggo—"

"Don't Uggo me now Harry! Answer me right now! Sino ang ama ng anak mo?! At nasaan siya ngayon?!"

Napapikit ako ng sumigaw siya ng malakas. Ten years ago, ito yung inaasahan ko sa kanya. Yung magugulat siya at magagalit pero ang tagal na nun pero hindi ko nasabi sa kanya na nabuntis niya ako at nakunan pa ako.

Huminga ako ng malalim.

"Calm down, Uggo. Kapag hindi ka kumalma ay paano maaabsorb ng utak mo ang ipapaliwanag ko sayo?"

He scoffed lamentably. "Paano ako kakalma? Hindi mo sinabi sa akin ang bagay na'to."

"Matagal na yan Uggo. At kahit anong gawin ko ay hindi ko na maibabalik ang panahon." sagot ko.

"Fuck that! Ang tanong ko ang sagutin mo! Sino ang ama ng pinagbubuntis mo?! Sino?! Kasal ka na'rin ba na hindi ko nalalaman?! And are you playing with me because of what happened ten years ago?! Kung yung nangyari sa mansyon noon ang ikinasasama pa'rin ng loob mo bakit hinayaan mo ako na mapalapit pa'rin sayo!"

"Dahil lapit ka ng lapit sa akin!" balik kong sigaw.

Tumataas at bumababa ang dibdib ni Uggo dahil sa pagsigaw niya at humahangos din ang paghinga ko sa pagsagot sa kanya sa malakas na boses.

"Paano pa ba kita papaalisin kung palagi kang lumalapit sa akin? Ikaw ang palaging sumunod sa akin kung saan ako magpunta dahil yun ang sinabi mo sa akin noon hindi ba?"

He washed his face with just his hand but he never took his eyes from me.

"At yung pagpaalis sa akin ng mommy mo noon ay wala na sa akin yun dahil matagal na yun. Kahit masakit, pinili ko nalang na kalimutan yun."

Umupo siya sa kama ko pero hindi niya inalis ang isang sonogram picture, at hindi din niya inalis ang tingin mula sa laman ng kahon. Nakalimutan ko na inilagay ko lang yun sa mismong harap ng mga damit ko at hindi ko naman alam na bubuksan niya ang closet at makikialam siya.

"At tinatanong mo sa akin kung sino ang ama. Kung sabihin ko sayo ang katotohanan ay maniniwala ka ba sa akin?"

He darted his eyes on me again but with a knotted brows. "Sino? Yung boyfriend mo dati o may bago kang nobyo?"

Umiling ako at nasaktan sa binibentang niya. "Wala akong boyfriend at yung ex-boyfriend ko ay hindi siya ang nakabuntis sa akin noon."

"Pwes sino? Tell me directly."

"Ikaw." I pointed.

Sa binulalas ko ay napaawang ang labi niya sa gulat at nanigas siya sa kinauupuan niya. Hindi naalis ang tingin sa akin kahit pa na sinabi ko sa kanya yung totoo. Ako ang unang nag-alis ng tingin.

I knew he would react like that and I knew it since then. Parehas lang yung magiging reaksyon noon kapag sinabi ko sa kanya na buntis na ako noon.

"A-Are you fucking kidding me?" he said but loud enough for my ears to hear.

"Yun ang totoo Uggo. Parehas tayong nalasing noon pero hindi naman ako masyadong nalasing. Wala lang akong naalala sa nangyari pero ikaw lang talaga ang nakasama ko mula noong n-nagalaw ako ni—"

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon